Chapter 2: Inakalang magpapakamatay

4053 Words
SHANNA's P.O.V "Salamat naman Dumating ka Shanna!"bungad ni Ian sabay yakap saakin. Hindi rin nagtagal ang yakapan namin ng humiwalay ako baka kasi hindi kayang tanggapin ng puso ko at mahulog na naman ako sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?"Tanong ko na walang halong magandang emosyon matapos ng ginawa niya sakin. "S-shanna Alam kong Nasaktan Kita Pero sana Hayaan mo Muna Ko Magpaliwanag sayo!"saad niya ng walang pasabing hawakan ang kamay ko kaya Padabog ko itong binitawan. "Para Saan pa?"tanong ko pabalik. "Shan may dapat kang malam---" "Para saktan mo ulit ang puso ko." Saad ko matapos mapabaling sa kawalan, Hindi ko siya Kayang Tignan Baka Maluluha na naman Ako dahil pinipigilan ko Sarili kong Hindi Ipakita Sa kanya na Mahina ako habang harap siya. "Honey Pie.." malambing na pakiusap niya. Bakit ba ganito ka saakin Ian? Ang Hirap na nga ng Sitwasyon ko para magmove-on tapos ginawagawa mo pang komplikado lahat. "Ok. saan tayo mag-uusap?" agarang tanong ko na Hindi bumabaling ng tingin Sa kanya. ~『 Coffee Shop 』~ "Oh! Ano ?na tutunganga nalang ba tayo dito explain muna dahil sinasayang mo lang oras ko! " Naiiratang pagbasag ko sa katahimikan. "Shanna! Hindi ko alam saan ako magsisimula." Tugon niya. "Kung ganun, sinasayang mo lang oras ko!" sambit ko at aakmang tatayo ng bigla niya kong pigilan. "Shan!" Pakiusap niya. "bakit hindi mo kayang ipaliwanag sakin, ano magtitinginan tayo rito? Ian naman, 'yan ba ang magiging sagot mo!"maktol ko pabalik. "I'm confused----''hindi ko na siya pinatapos pa masakit na sobrang sakit na nitong nararamdaman ko. '' nagpapatawa ka ba?!''pagsabat ko sa kanya. ''Hindi, shan...'' "Eh? Ano Pala yung tatlong taon na pagsasama natin? babaliwalain mo lang?"sarkastikong mungkahi ko. ''I- i developed feelings for he-------" Hindi natuloy ang sasabihin niya ng sumabat muli ako. "Pwede ba IAN ayaw ko nang marinig yang mga Eksplenasyon mo dahil alam ko na.''Huminga muna ko ng malalim bago ipagpatuloy ang buong desisyonan ko. ''kaya I'M BREAKING UP WITH YOU...BREAK NA TAYO IAN!" huling kataga ko. "S-Shan-----" akmang hahawakan niya ko ulit ako ng tabigin ko ang kamay niya. Sobrang nakakahiya ang eksena sa pagitan namin ni Ian dito sa Coffeeshop pati mga Customer ay nakatuon ang atensyon saamin. "Sana ganun Lang kadaling Kalimutan ka!" pagkatapos kong sabihin iyon ay tumakbo ako palabas para iwanan siya. Nagmadali naman akong Tumakbo paalis at Rinig ko Ang mga Tawag Niya Sa Pangalan ko pero hindi ako nag-aksaya ng minuto para tapunan siya ng tingin. "Honey Pie niya Mukha mo!"pinunasan ko naman Ang butil ng mg luha mula sa pisngi ko. [ Flash Back ] Sakabilang Dako naman pagabi na medyo Late Kami pinalabas Kaya Alam kong Hinihintay nako Sa Waiting Shed or Benches ni Ian Malapit Sa Guard House Kaya naman nagmadali nakong Naglalakad. From:Honey Pie ko! Sorry, Honey Pie ko Hindi Ako naka Sabay sayo kaninang Lunch time. May Inaasikaso Lang kasi. sorry talaga Babawi Ako. Hatid Kita mamayang Labasan hintayin mo ko. Sunduin Kita Honey Pie. 12:33 pm To: Honey Pie ko! Ayos lang Pie , naiintindihan ko. 12:35 pm From:Honey Pie Ko! Anong Pie?Wala bang Matamis?? 12:36 pm To:Honey Pie ko! Oo na Honey Pie ko. Ano ba Ginagawa mo at panay ang text mo?. 12:39 From: Honey Pie ko! Ito Nag Stu-study ng Lesson. Miss na nga Kita kagad Honey ko.Pwede bang IKaw Nalang Aralin ko?? 12:42 pm To:Honey Pie ko! Bolero . 12:44 pm From:Honey Pie ko! Hindi ah, totoo kaya pagmamahal ko sayo.?❤️ 12:46 pm To:Honey Pie ko! Ewan ko sayo, magfocus ka na nga lang sa klase mo. 12:47 pm "Teka, Hindi man lang siya Nagreply pabalik?"pagtataka ko. Ni minsan Hindi niya ko Sineseen. Nakakapagtaka talaga?Dapat nga Sinusundo na niya ko sa room ko. Hindi kaya busy siya o kaya may Practice siya sa gym kasama mga barkada niya. "Bakit Hindi mo nalang kasi Hiwalayan Ang Girlfriend mo?" "Hindi ko kailan man gagawin iyon Sa kanya." Rinig kong lumitaw naboses sa gilid. Ano bang Nangyayari? Ewan ko imbis na Palabas nako ng Daan mas Dinala ko ng paa ko Sa Madilim na Parte ng Kabilang Building kaya habang Papalapit Ako mas Pumapalapit at Lumilinaw Ang Boses ng dalawang pamilyar na boses. Sana Hindi Siya gaya ng Iniisip ko. Panay Tingin ko Sa Messages naman ni Ian. Baka Sakaling May Message Siya dahilan na akmang Babalik nako Sa Dating Pinanggalingan ko para Magpatuloy sa paglalakad ng mahinto ako sa sunod na narinig. "Ano bang Meron dyan sa Shanna Krish Lawin na yan?!" sigaw ng Babae. "Di hamak na Maganda Ako Kesa Sa kanya! At May Ibubuga." dugtong pa niya. Teka. Pangalan ko ba yung Binanggit Niya. Ako ba yun? Bakit Nadamay Ako Sa Usapan nila? "Wala kang Alam." Sagot ng Lalaking Parang Kilalang Kilala ko Sa Hindi ko na mapigilan na Makiusyuso dahil nadawit ang pangalan ko. Pero Hindi ko inaasahan na Sila palang dalawa Ang makikita ko. Pagkalapit na pagkalapit ko Sa kanila. mukhang Hindi pa nila ko Napansin. Nakita kong pinipilit ni Steff Ang kanyang Sarili Kay Ian habang si Ian naman Ay panay tulak Kay Steff. Biglang Napawi Ang kaninang Ngiting-ngiti ko Sa Labi ng Maaninagan silang Dalawa. At Biglang Napahigpit ng Hawak sa selpon ko. "Ano Ibig sabihin nito Ian??!"nagtatakang Tanong ko nakatalikod pa rin sila saakin dahilan na manigas si Ian sa kinatatayuan niya at biglang Humarap si Steff sakin. "Owlalala. There She is?." nang-aasar nabungad niya. "Hindi nako Magtataka kong Narinig Niya man yun pinag-usapan natin kanina."napakrus ang dalawang braso niya. "Ano to Ian?Akala ko ba Susunduin mo ko?!" Baling ko kay Ian. "Arrr. Can't you See. I'm with your Boyfriend!" sabat niya kulang nalang Hubaran siya ng Bra. Halos Kita na ang buong Kaluluwa niya kaya ayaw ko siyang tapunan ng tingin. "Ikaw ba Tinatanong ko?!" inis na Sabi ko Sa kanya "Hindi naman Ikaw Tinatanong ko Bakit ba sumasabat ka!" nakita ko namang Napaharap na si Ian nagtagpo Ang mga Mata namin Kita ko Kung gaano siya Nadismaya at Mababasa Ang Lungkot Sa Mga Mata Niya. Alam kong may Mabigat siyang Problemang Dinadala. "At Hinahamon mo talaga kong Babaita ka-----" Inis na Sambit sana ni Steff at akmang Lalapitan ako ng Pigilan siya ni Ian. "Steff!" Saway ni Ian. "Let me go Rick!" Pagpupumiglas niya Kay Ian na mahigpit siyang Hinahawakan."Arrr. Pabayaan mo nga ko Gusto kong Turuan ng Leksiyon yang Lusyang mong Girlfriend!" pilit pa rin Pumipigkas at Nakatingin saakin ng Masama na Parang gusto akong Balatan ng buhay. "Subukan mo siyang Saktan at Hindi mo magugustuhan Ang Ibabalik ko!"may bantang sambit ni Ian Sa kanya Siya talaga Ang Superhero ko. "Why? Bakit ko pa itatanggi na Totoo naman duh!" Pinandilatan naman ni Ian si Steffie at nakita ko naman napasipat ng mga mata si Steff sa ere. "Huwag mong Subukang Ubusin Pasensiya ko Steff!!" seryosong Naiinis na sambit ni Ian na Hindi pa rin Binibitawan Ang Braso ni Steff. "Ouch, Ano ba Rick!Nasasaktan nako. bakit ba palagi nalang siya?bitawan mo na nga ko!" Napabitaw naman si Ian Sa Braso ni Steff na Ngayon Ay Hawak niya. "Anong Meron Sa Inyo ni Steff, Ian?" tanong ko kay Ian at nakita kong gaano nanlaki Mata niya. mukhang nakalimutan niyang Nandito pa ko. Gusto kong Sagutin Niya Tanong ko pero Hindi Siya nakaimik. Mahirap ba sagutin tanong ko? Sagot Lang naman Hinihingi ko. marami ng Katanungan Ang namumuo Sa Isipan ko. Hindi nako Natutuwa. "Asawa nga Naagaw. Boyfriend pa Kaya?" Hindi nakalampas Sa Pandinig ko ang binukang bibig ni Steff sa pagitan namin ni Ian kaya Napahigpit lalo Ang Hawak ko Sa Cellphone ko. "Ano Sabi mo?!!" sambit ko Anong Hindi ko Alam?sa Kanila?may Hindi ba ko Alam tungkol Sa Kanilang Dalawa?Ano to? So All this time Niloloko lang Pala ko Ni Ian na Hindi Niya Kilala si Steffie? Marunong na pala siyang Manloko ngayon. hindi ko napansing nag-uunahan ng Tumulo ang Mga Luha ko. "H-honey Pie, shhh. Sorry. hayaan mo kong Magpaliwanag." Alu Niya at unti-unting Lumalapit Sa kinaroroonan ko Nakita ko Ang Gumuhit na Pag-Alaala Sa Emosyon niya "Rick!" inis na suway ni Steffie Kay Ian at Panay hablot Na Binabaliwala naman siya. "Ano pang Ipapaliwanag mo Sa Babaeng yan----"naputol ang pagsabat niya tapunan siya ng masamang tingin ni Ian. Kung sana Sinabi Niya na Pagod na siya saakin. Pagod na ba siya sa Relasyon namin? kanina Maayos pa naman usapan namin. "I-Ian Ano to?" tanong ko na napahawak Sa Noo napapikit naman Ako para pigilan Ang Emosyon ko. Gusto Kung Kumalma. Pero hindi ko Kaya. Ito ba yun? Kaya ba minsan Wala siya? may nakakalimutan na siya? at may Pagbabago na Sa Kanya? Kaya sobrangmailap niya. Parang may palagi siyang tinatago saakin, kung kailan May magandang Supresa Ako Sa kanya. "Honey Pi-----" "Tama na. Hayaan mo Muna kong Mapag isa total Mukhang nakadistorbo Ako Sa inyong dalawa." Paalam ko ng hindi makakuha ng tamang sasabihin sa sitwasyong ito. Alam naming pareho nawala kaming oras para sa Isa't isa Kaya minsan nalang Kami Magkasama. "Please Honey----" Hahawakan Niya sana ako ng mapaatras ako. "Rick, Sabi na niyang hayaan mo Muna siya kaya Huwag mong Pilitan Ang Ayaw!" Naiinis na Suway rin ni Steff. "Sabing Tumahimik ka!!" Hasik ni Ian Kay Steff. "Aalis Muna ko." Tatalikuran ko na sana siya ng Pigilan ni Ian muli ang Braso ko at paharapin ako sa kanya Pero agad kong tinabig ang mga kamay niya. "You can Leave wherever you want." Pagpaparinig ni Steff. Pero may Naalala akong Kailangan kong dapat maibigay kay ian kaya Kinuha ko ito at padabog natinapon sa kanya dahilan na masalo niya bago pa man siya makapag react ay Tumakbo nako Palayo kahit naririnig ko ang mga Tawag Niya. [ End of Flash Back ] "Iyon ang huling bake ko ng Honey Pie sa kanya." Mungkahi ko sarili. Wala sa sariling naglakad ako sa gitna ng kalsada para tumawid nang---- **BEEP** "WAHHHHH!" **BEEP** (o.O) Masasagasaan ba ko? Dahilan na mapaupo ako sa daan at isangga ang dalawang braso ko patakip sa Mukha ko. Animo Nasisilaw patakip sa mga mata ko. hindi ko magalaw ang buong katawan ko sa Papalapit na magarang kotse. Malay ko bang May Papalapit na Kotse sa Tatawiran ko. Nanginginig tuloy ako. "Hey , Woman?" tawag ng baritonong boses. Sino iyon? ''Woman?'' Unting-unti kong binaba ang mga braso ko at sinimulang imulat ang mga mata ko dahilan na bumungad sakin ang nakakasilaw na mukha ng lalaking nakayuko ngayon sa harapan ko. Laglag ang panga ko ng malinaw na makita ang kabuuan ng mukha niya. Totoo ba to? ang gwopo ni kuya nakaka starstruck kahit naka-sideview lang siya habang tinatawag ako. nakakaduling ang katangusan ng ilong niya. Bumaba ang tingin ko sa kabuuan niya napaka-Pormal manamit walang makikita ni gusot sa polo niya. kahit bahid ng kunting Dumi ayaw ata kumapit Sa kanya. Nahiya ang Alikabok sa Dating niya. sobrang pinagpala naman ng lalaking ito. Makikita mong Napaka Disente Niyang Manamit Plain Long sleeve with black slocks para siyang Artista Kung titignan. parang pamilyar siya... "E-Enrique?.." hindi natuloy ang akmang paghawak ko sa mukha niya ng mabilis niyang tabigin ang kamay ko dahilan matauhan ako. "What do you think your doing?" Nasindak ako sa pagpukol niya nang masamang tingin. kasi naman kahawig niya ng kunti si Enrique gil. natakot tuloy ako sa Awra niya. Anong Meron sa Lalaking to? Ngayon Lang ata Ako nakakita ng Ganitong Lalaki Sa tanang Buhay ko. ni hindi nalalayo ang tangkad nila ni ian. Nanlaki ang mga mata ko nang masilayan ang sasakyan niya na prenteng nakatagilid sa daan. Mismong sa Harapan ko Nakabukas Ang Pinto ng Kotse niya. Silaw sa Kalinisan. Anong nakain nito? At Pinatagilid talaga saakin? Diba dapat Sasagasaan na niya ko Sa Harap ng Kotse niya? Pero Bakit? Nakatagilid na Ngayon? kanina Lang Tuloy-tuloy iyon papuntang saakin kaya nga ko Huminto. Dahil Wala ng Pag-asang Makaalis pa. Tapos pagbubuksan niya ko ng pinto? Ibig sabihin Alam Niyang may Masasagasaan siya----- "Hop in!" Aniya sa maawtoridad na boses nang bigla siyang tumayo at umikot papasok sa sasakyan niya. Ha Anudawww? (^-^?) "Hop." sambit Niya Ulit na Mukhang nabasa Ang Nasa Isip ko na Hindi ko Masyado Naintindihan. "Ha?" Hindi ko talaga maintindigan ang pinaparating niya, sigurado ba siya sa 'Sakay?' Sino? Ako ba? Wala naman ibang tao maliban saakin? Pero Bakit naman Ako Sasakay sa magarang sasakyan niya. "Are you deaf or are you just stupid?" inis nasambit ni Hindi naman siya nakatingin saakin? dahil seryoso siyang nakatingin sa harapan ng kotse niya habang hawak Ang manubela. "A-Ako ba?Ako ba kinakausap mo???" tanong ko nang mapatayo na rin sa pagkakaupo at mapaduro sa sarili ko para manigurado. "And who else, i'm talking tho?!" Sarcastikong sabi niya. "Yung Harapan ng Kotse mo!" Sagot ko naman kanina pa kasi siya Nakatingin doon Sa Harap ng Kotse habang Nagsasalita. Kaya Malay ko Sino Sinasabihan niyang 'Sumakay' ang werdo niya kausap. "What the f**k!" Malutong na Mura niya. teka---Bakit Parang Familiar yung Mura niya? Parang Narinig ko naboses niya. Hindi nga Lang Klaro Sa pandinig ko? Iba kasi Sa Personal ang Boses? Sa Sobrang Dami ng Problemang kinakaharap ko nakakalimut nako. σ(^_^;) "Hindi mo ba alam na masamang magmura!" Paalala ko Sa kanya napakunot Noo naman siyang napaharap saakin Pero bigla ring Nag-iwas ng Tingin. Kahawid niya talaga si Enrique Gil mas Lamang lang siya. Nasaan kaya si liza? "Hell I care!" Mura pabalik. Abay ang tigas din ng Bungo ng Gwapitong ito. Napakasuplado at mapagmurang tao. napawi ang pagngiti ko sayang ang kagwapuhan niya kung magiging Panget ang Ugali niya. "Ano ba kasi iyon?" "I said get in my car." Eh. Kung Hindi Ako Sasakay? "Sasakay? Eh Bakit naman? Close Ba tayo---" Hindi ko natapos Sasabihin ko. "Just Get Inside of my Faking Car!" Utos niya. "Edi Sasakay na."pagsuko ko sa pakikipagtalo sa kanya. Feeling Close. Hindi ko naman Kilala. Atsaka kaya ko naman Umuwi Mag Isa o Sumakay Mag Isa. At doon ko lang Napansing May Apple Ipad siya sa Loob malapit sa Break at Akmang isasarado ko sana Ang Pinto ng Sasakyan Niya ng Hindi ko Masarado? "Eh?" Paano ba to? Hindi ko kasi Masarado "Ay Bahala Wala naman akong Alam dito Paano ba to isarado----" nang Biglang mag sarado. "Ay Kalabaw!" sigaw ko Sa Gulat. Hahawakan ko pa ngalang ulit ng Biglaan mag Sarado. Napasuot naman Ako ng Seatbelt. "Tsk." Rinig kong boses ng katabi ko. Napansin kong may Hawak Pala siyang Remote?Para Saan yun? Hindi siya nakatingin saakin At nag umpisa ng Mag Paandar ng Sasakyan Niya gamit Ang isang Kamay dahilan na Hindi ko na malayang Nakatitig na Pala Ako Sa Kanya. Nakikita Niya Kaya kong Nakatitig Sa kanya?kasi naman Hindi ko mapigilang humanga sa kanya. sobrang kuryuso ako kung anong gluta ang gamit niya? "don't stare at me young woman. Will you?You're Pissing me off." Tinapunan na naman niya ko ng Masamang tingin. Alam niyo yung Feeling na Unti-unting Nanliliit Mata Niya Pag may guguhit na kunting Emosyon Sa kanya. Pero iba Lang to kasi Nakakatakot talaga Parang Warning Niya dahil Anytime Mukhang Papatayin niya nako kung siguro nakakamatay Ang Tingin kanina pa ko nakahandusay. Ang sungit naman ng lalaking ito. "H-Ha Hindi ah!" tanggi ko at biglang Napansing Namumula ang Mukha ko Kaya Napa Iwas Ako ng Tingin sa kanya. "Liar!" napaigtad naman Ako Sa gulat. Ano ba yan nakakagulat naman tong Lalaking ito. Kailangan talaga Niya kong Sigawan kahit magkatabi lang kaming dalawa. "Paano mo naman nalaman? Eh, naka Focus ka nga Sa Daan?" Pagtataka ko. "If you want to commit suicide, i'll find you a perfect place, but next time don't run in the middle of the road!" Rekomenda niya. "Ano Sabi mo?" Hindi naman niya ko Sinagot Sa halip ay Bigla Niya nalang Hininto Ang Sasakyan. "A-Ano ba yan." Sabay hawak ko sa nauntog na Noo ko matapos walang pasabing ihinto ang sasakyan. "Chin!" Malamig nataboy niya. "Ha?" Baba raw? "chin or I'll push you!" may halong pagbabantang sabi niya. Eh. Kakasakay ko Lang tapos Pabababain niya? Seryoso ba siya? Ako ba Pinagloloko nito? Sinong Matinong Tao magpapasakay ng Kotse niya Tapos Pababain kagad. Nakakapanggigil na talaga ang Enrique nato. "Aba Ikaw nga tong Biglang Nagpasakay saakin bigla tapos pabababain mo! Ako ba Pinagloloko mo?!" Inis na anas ko hindi nagustuhan ang pagbabago ng ugali niya. "Do you know who's infront of you!" May galit na sa pananalita niya. "Hindi ,Malay ko bang Kilala Kita" Hindi ko naman talaga siya Kilala. Siya Kaya yung bigla biglang Nagpasakay nalang. "Get Lose!" taboy Niya saakin Nanlalaki naman Mata ko. Baliw ba ang lalaking ito? "Anoh!?nagpapatawa ka ba?" Hindi na talaga siya Nakakatuwa ha. Parang Pinag Tri-Tripan Ako. "I said Get out!!" nagulat Ako Sa Pagsigaw Niya dahilan na magmadali akong Lumabas. "Oo na Ito na Baba na! Lamunin mo yang Kotse mo! kainin mo Kainin mo yan." Sabi ko ng masarado Ang Pinto ng Kotse Niya. 'Lamunin mo hanggang sa mabilaukan ka.' "If you want to end your life there's a brigde out there rather than hit and run. " Aniya ng Hindi tumitingin saakin. Ito Pala Ang Dahilan niya? Sakaling Magpapakamatay Ako Sa Kalsada ay Sa halip Hinatid Niya nalang Ako dito Sa Tulay. Para dito Ituloy Ang Naudlot na pagpapakamatay. "Aba! Ako? *turo sa sarili* Magpapakamatay?Sa Tingin mo Magpapakamatay Ako Sa Kalsada?ganun ba kababaw tingin mo saakin? para sabihin ko sayo Mahal Ang Buhay. At lalong Hindi Porket muntik mo nako masagasaan pakamatay na yun!excuse me diba pwedeng Tatawid Lang po Ako!" Di ko nalang siya pinansin yun Lalaking nahirangan ko na Gwapito susss Panget naman Pala. "Stupid! You're wasting my time." ako pa talaga Ang nagsayang sa Oras. "Hoy Sir ---- ay este mister. Oo aaminin kong TANGA Ako Pero Hindi tudo point na Kailangan ko ng Magpakamatay!" Inakala ba namang Magpapakamatay Ako Yun ba gusto Niya Palabasin. Na Magpapakamatay ako "Nevermind!" Walang pakialam Niyang sabi ganun nalang Yun. "At Hindi ibig sabihin IKaw Lang Ang Nag iisang nabubuhay na Gwapo Sa mundo." nanggigigil na sabi ko "Tsk . As you Said. I'm the King of Handsomeness." May diing sambit niya "Ano? Hindi Kaya Kapal ng Feslaks mo!" Akalain mo nagsabi daw Ako Hari siya ng Kagwapuhan. Kapal grabeh Lang. May Yabang rin pala tong Tinatago Pero Bakit Ang Seryoso pa rin Niya. Weird talaga! "Seriously. Do you already know me!" malamig na pagkakasabi na naman niya sabing Hindi ko nga siya Kilala eh "Hindi noh Malay ko ba sayo!at nga Pala IKaw yung Tanga hindi mo pansin Slow down!" "The Hell, I Care about it! No one's against you if you want to kill yourself, it's up to you." walang pakialam nasabi niya. "Kaya ba pinasakay mo ko para Lang ihatid dito Sa tulay ha!?" Sigaw ko Sa kanya Tarantadong Lalaking to Kaya Lang ako Pinasakay Para Lang Ihatid dito Sa Tulay! Inaakala Niya Papakamatay Ako Sa kalsada excuse Pwede mahiya Hindi porket Tanga Ako Tatapusin ko na buhay ko ng Maaga. Hindi rin Ako Baliw para Tumalon dyan Sa sinasabi niyang Tulay. Masyado pa kayang Maaga!Hindi Pakamatay Sagot Sa Sawi kong Puso Sa halip makakamove on rin Ako! "You're Nonsense!" bago Niya Sinarado Ang Wind Shield ng kotse niya Nga Pala Hindi nga Pala yun Sarado kanina bukas Pala yun. Walang Modo tong Lalaking to!saka Niya sana papaandarin sasakyan Kaya naman Kinuha ko Isang suot kong Doll shoes at--- "Hoy!" kasabay ng paghampas ko Sa Wind shield niya "Hoy! Bumalik ka rito!" nakita ko naman siyang napamura Sa loob. Binigyan Niya naman Ako ng Nakakamatay na Tingin na nagsasabing 'Humanda ka Sa Oras na Mag Kita tayong muli.' dahil napansin Niya sigurong Na Dumikit Ang Apakan ng Doll shoes ko na may Dumi Kaya nadumihan Wind Shied Niya kaya ganun nalang pagkapikon niya, sana Pala nakaapak nalang Ako ng Tae kanina ng yun talaga Ang Dumikit Sa Kotse niya! 'Arte ng Lalaking to!' "Matapos mo kung Ipunta dito tapos Iiwan mo lang Ako!" sigaw ko at hindi nakatiis na itapon ang Doll shoes ko sa kotse niya."Nasaan konsensiya mong Anak ni Satan ka!!" Sigaw ko Sa kanya Kahit malabong Maririnig niya dahil Sarado ang Kotse niya. "Argh. nakakainis kang lalaki ka Di porket Gwapo ka pa Kay Enrique Gil!" Pinulot ko kaagad ang Doll shoes ko sa hindi malayong Nilandingan dahil sa pagtalbog nito matapos kong Ihagis kanina. Pasalamat siya Hindi Bato itinapon ko. "Nakakagigil! Sarap sabunutan ng lalaking 'yon! Sa Tulay talaga ko binaba!ang layo pa naman nito papuntang Bording House!bakit ba kasi pinasakay Niya pa ko!kung Ibababa rin pala" akmang kukunin ko Sa bulsa Walet ko. makasakay na nga Lang ulit. (o.o) "Ha?nasaan na yung Walet ko?" Huwag niyo sabihin Nahulog kanina Sa Pagtatakbo ko patawid ng Kalsada. Kaya Ang Landing----Este ending Maglalakad nalang Ako kahit sobrang Sakit ng mga paa ko. Sayang 50 pesos ko Pati Picture namin ni Warka ko. KING's POV  "Stupid Minecraft! Tsk." Hasik ko matapos iwanan ang babaeng may makitid na utak. Why didn't she find a good place if she wanted to kill herself, knowing she's easily to be kill, when she blocked my way, I was about to hit her with my car but i don't think it's a good spot to make a perfect crime. All i can sense, she's absent minded. So i lead her in the bridge, That is not crowded. so no one can put a blame on her suicide attempt. It will take a couple of weeks before seeing his corpse. Well if i did hit-in-run her, i wouldn't mind because i can afford to compensate her burial but i don't want to entangle with his Family nor guardian whenever she's dead. I take a look on my Phone when suddenly it remind me of the f*****g wrong send earlier with some stupid b***h. Get ready when I see you. I swear upon my name.  Xihackery's POV "Nasan na Siya ,Kama?" ngising tanong ng isa kaya Binato ko na ng Mineral Water na ininuman ko kanina lang. "Gago ka Helmet!" bulyaw ko habang nagpapatuloy Sa Pag titipa sa Maliit na Computer. "Oh Chilax lang Kama, pasalamat ka nga Afford mo Kahit anong Kama." nang-aasar na Sabi niya"Ilan na nga ba Naikaka------"Hindi ko na siya Pinatapos pa Takte san pa napunta! "Tumahimik ka nga Pambulabog ka!" inis naanas ko, kainis Hindi ko na tuloy Ma Trace Kung Nasaan na yung Babaeng Pinapahanap ni Bossing na may atraso sa kanya. "Parang Tinatanong Lang Kung Nasaan na nga yung Babaeng pinaka Kuha ni King? Na kanina pa tayo rito Sa Gray Van hinihintay Location Kung Nasaan na yung Babaeng tinutukoy ng Hari!"Bakit kasi Hindi Matrace siya kanina pa nga Kami dito Sa loob ng Gray van Bigla Kasing Nawala. "Putanggala! Helmet! Hindi ka makapag hintay Ikaw nalang rito Sa Pwesto ko Palit nalang tayo!" Kung makapag Utos Kala mo siya Nagpapasahod napapailing naman ako. "Huwag mo nga Ipasa Ang trabaho mo sakin, sumbong kita kay King na Tinatamad kana Sa Trabaho mo."banat niya. Gago! Ako pa ilalaglag! Ni wala naman yung Paniniwalaan saamin ni isa Baka nga paulanin pa Kami ng bala dahil Sa nagawang kapalpakan. Edi Damay-damay Pag nagkataon Mapaaga burol namin tatlo. "Putek! Edi Mabuti ng Damay-damay na!" kindat na nakangising Sabi ko na Alam na niya Ano tinutukoy ko. "Ewan ko sayo Kama, Trabaho mo yan!" Napapakamot na ulong Sabi Niya Kung siya nalang kaya Gumawa rito Kainis na Unggoy nato. Habang ang Isa Tahimik Lang Sa tabi wala pa rin pinagbago napakatahimik Niya ni Wala nga ni isa nakakabasa Kung Ano iniisip niya "Tss." tipid natugon ni Zhe kaya nagkatinginan kami ni Helmet bago nagkibit balikat. pareha talaga sila ng Mood ni Bossing Ang pinagkaiba ay masyado tahimik si Zhe. Buti nalang magkasundo kami sa iilang bagay ni Helmet. Ako lang naman ang pinagpala na magdadala sa inyo sa langit----este Ang Magaling na Hacker na magdadala Sa inyo Sa Tamang Direksyon. Ayos ba? walang iba Kundi---- "Kama, Ano na?!"sabat ni Helmet (Helmut), siya lang naman mag-isang tumatawag saakin ng 'Kama' para mang-aasar palibhasa inggit siya dahil hindi siya marunong kumama ng babae. "Ito na malapit na!!" Tugon ko pabalik. Kahit sa totoo nagpipigil akong hindi masapak si Helmet. -------------- The End of Chapter 2 -------------- Edited. A/N; Sorry sa Typos error and wrong Grammar kung meron man. you can like our sss Page @Annayk_Sakka and message the page for some questions dahil updated ako sa f*******: sss: Annayk_Sakka *wink* and don't forget to Vote and leave some reactions Comments in every Chaps. <3 ~Sakka-san?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD