Saffire's PoV
"Class dismissed.."
Natapos din, ang klase. Nakakagutom!
"Flyne, Let's go!?" Aya ko sa kanya pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko..
"Let's go!!! Food timeeeeee naaaa!!" Masiglang-masiglang sabi niya at dahil sa ingay niya napalingon ang ibang classmate namin. Pero dahil alam nilang Fiancé ni Antonio si Flyne, hindi siya magawang pag tsismisan..
"Hyper ka masyado.." Kunwaring naiinis na sabi ko. Napa peace sign naman siya.. Baliw!
"Hey Flyne and Saffire.. food time naaaaa!!" Hyper din na sabi nung dalawa pang makulit na kaibigan namin..
"Look, friend ba nila Stacey at Channel ang mga transferees?"
"Pathetic.."
"Bitch.."
"Okay na sana kaso, may kasama silang nerd na pangit!!"
"Hahaha. Truee!!"
Napatingin kaming apat sa mga babaeng classmate naming nagbubulungan.. Ako, kanina pa ako naiinis sa mga yan. Konting-konti na lang talaga..
"Isa.pang.bulungan.malilintikan .na.talaga.kayo." May diin na sabi ni Channel.. Agad namang nagsilabasan ng room ang mga babae. Natawa na lang kaming apat.. At lumabas na ng room.
Wala na ang apat na lalaki dahil sa pupunta sila sa headquarter nila.. Dito lang sa school.. Sosyal, may sariling headquarter.
"Channel? Stacey? Uso mga bubuyog sa school na 'to?" Kunot-noong tanong ni Flyne kina Channel at Stacey..
"Yah! Sa dami ng bubuyog, minsan nakakairita na at masarap ng patulan.. Mga rich kasi kaya, spoild at mga maaarte.." Asar na sabi ni Stacey..
Pagdating namin sa canteen, halos lahat ng tao ay napatingin sa 'min.. Ang iba, masama ang tingin sa 'kin.. Inaano ko ba sila?
"Boyfriend na talaga ni Stacey si Liam? Wow!"
"Halata na noon pa lang e.."
"And wait, Channel and Brent are in a relation na talaga.. one year na sila.. that was imposible."
"And the new transferee is Antonio's Fiancé.."
"They are beautiful except sa panget na nerd na kasama nila.."
Bulungan ba yan? Eh, rinig naming lahat e! At mga nakatingin pa sa amin.. hindi na lang sabihin sa amin ng harapan e! Tss.
Naghanap na lang kami ng vacant na lamesa.. at umupo. Wala kaming mapapala kung papatulan sila.. gusto nila yan. Manawa sila!
"Lead, ano gusto niyo? Kami na ang oorder.." alok ni Channel sa amin ni Flyne.
Tiningnan ko si Channel ng seryoso at sa titig ko na sinasabi kong huwag niya akong tawaging Lead.. nagets naman niya agad.
"Ops! Sarreh!" Sabi nito ng naka peace sign.
"Ihh! Samahan ko na kayo Stacey at Channel please!" Nagpapa-cute na sambit ni Flyne sa dalawa..
"Pero, paano si Saff.? Walang kasama?" Tanong ni Stacey at tiningnan ako.
"Ay. Oo nga pala hehehe." Sagot ni Flyne.
"I'm fine. Sige na, pasamahin niyo na si Flyne. For sure, maraming bibilhing pagkain yan e.." natatawang sabi ko.
"You're so mean Saffire.." nakangusong sambit ni Flyne. Natawa naman kami sa kanya.
"Hahahaha. Totoo naman ah?" Gatol ni Stacey. Tiningnan naman ng masama ni Flyne si Stacey.. Naglakad na sila papunta sa counter.
Umupo naman na ako at kinuha ang phone ko..
To: Baby mine..
-I love you. Baby mine..
*Sent!
Pagka-sent ng message ay biglang may naghablot ng phone ko mula sa likod ko.. Napapikit ako sa inis at tumayo. I saw Kim Dela Vega holding my phone..
"Give it to me..." walang emosyong sambit ko.
She smirked at tiningnan ang screen ng phone ko.. She's reading my message. Ramdam ko 'rin ang atensyon ng nasa paligid namin. Maraming nakatingin sa amin.
"Listen guys! I read on her message in her 'baby mine' I love you baby mine..— Wow naman. May papatos pa pala sayong panget ka!" Sambit nito sa 'kin. Nagtawanan naman ang nasa paligid namin. Pero hindi ko iyon pinansin.
"What is your problem?" Kaswal na tanong ko. I need to calm myself.
"You're asking me if what is my problem? You're flirting my Blake. I told you. Blake is mine.. Don't you dare to smile on him again or else you're school year will be miserable.." Mataray na sambit nito. Padabog naman niyang nilagay sa lamesa ang phone ko. s**t! My precious phone! "-You're a transferee. Right?"
Pucha! Kalma Saffire! You need to control yourself..
Hindi ko siya sinagot bagkus ay tiningnan ko lang siya ng blangko!
"Hmm. Palaban kang panget ka ha? Gusto mo bang makatikim agad ng parusa?" Nakangising sambit nito.
"-Subukan mo pang ngumiti kay Blake. You rat! I swear. Ako ang magpapatalsik sayo dito sa school na ito.. naiintindihan mo ba ako!?"
Who are you to say that? Tsk.
Naningkit ang mga mata ni Kim kaya naman agad na hinawakan ang buhok ko..
"Get off.." seryoso at madiing utos ko! Alam ko sa sarili ko na hindi ko na kayang magtimpi pa!
"What if ayoko!?" Mas lalo pa niyang diniin ang pagkakahawak sa buhok kaya sumakit ang anit ko! Pucha!
"Get off.." nauubusan na ako ng pasensya!
"Palaban ka! Well, wala kang ipagmamalaki dahil sa isa ka lang namang dukha na nakapasok sa school na ito dahil sa scholarship.."
Ows! Porket nerd na mukhang dukha, scholarship agad? Yan tayo e! Judgemental e! Porket ganito ang outfit e. Tsk! Pwede bang mayaman din kami at nagpapanggap lang ako na duka at nerd? Sus.
"Get o—"
*SLAAAAP.
SHE f*****g SLAP ME? THE f**k!?
"You f*****g rat b***h!" Galit na sambit nito.
Talagang siya pa may ganang magalit, siya na ang nanampal? Kinginang yan!
Nakita ko na mabilisang lumalapit ang mga kaibigan ko.. Pero, agad akong tumingin kay Kim.
"What did you say?" Kalmadong tanong ko.
"Are you deaf? I said. You are a b***h!" Sambit nito at nag cross-arms.
Nagtiim bagang ako. Oo! Nagtiim bagang ako. Akala niyo lalaki lang pwede? Pwes, ako 'rin!!! Susugurin ko na sana siya pero may isang taong humawak sa braso ko!!
"Princes Blake.." dinig kong usal ni Kim na nakatingin sa gilid ko..
Blake? Nang lingonin ko ang taong nasa tabi ko ay bigla itong nagsalita..
"Let's talk.." seryosong sambit nito at hinila na ang palabas ng canteen..
Halos lahat ng tao 'rito sa loob ng canteen ay nasa amin ang tingin..
The f**k!
Stacey's POV
"Hmm. Gusto ko ng hamburger then samahan mo na 'rin ng french fries tapos.. Fried pinsec masarap din 'yon. Apple juice na lang for beverages ang sa akin.." nakangiting sambit ni Flyne habang nakatingin sa menu list.
"Grabe ang isang 'to. Parang may alaga sa tiyan e.." natatawang komento ni Channel..
"Wala 'te. Hindi uso ang diet sa taong yan. Hahahaha." Natatawang sambit ko at binigay ko ang order list namin kay ate..
Hinintay naming tatlo ang order namin hanggang sa dumating na 'rin ito.. Kanya-kanya kaming buhat ng tray pero napansin namin na halos lahat ng tao 'rito sa canteen ay nakatingin sa gawi ni Saffire kaharap sina... Kim!?????
"You f*****g rat bitch.." dinig naking sambit ni Kim kay Saffire! Damn. Ayaw ni Saffire na sinasabihan siya ng ganyan. We all knows that she's not like that.
Mabilis kaming naglakad, kasi baka iba ang magawa ni Saffire. Alam naming naka move on na siya sa past niya. Hehehe. Wala lang mema isingit lang. b***h kasi yung ex bestfriend niya e.
"What did you say?" Kalmadong tanong ni Saffire. Pero, alam ko na pilit niyang pinapakalma ang sarili niya!
Nang makalapit kami ay agad na nilapag namin nila Channel at Flyne ang order namin sa lamesa namin.. At pumunta sa likod ni Saffire.
"Are you deaf? I said. You are a bitch.." sambit ni Kim at nag cross-arms pa. Anak ng... Inulit pa niya ang salitang yan damn!
Naalerto kaming tatlo ng akmang susugod si Saffire kay Kim pero mabilis na may humawak sa braso niya..
"Princes Blake.." mahinang usal ni Kim na nakatingin kay Blake pero wala sa kanya ang atensyon ni Blake kundi na kay Saffire.
"Let's talk.." seryosong sambit nito at walang sabing hinila ang kaibigan namin palabas ng canteen at ang lahat ng atensyon ng tao sa paligid ay nasa kanila.
"Kim.. did you see that? Prince Blake saved you. Akmang susugurin ka ng nerd na 'yon.." kilig na sambit ni. Bubbles.
Well, julalay ni Kim..
"Yeah. I see that because I am not blind. Like duhh." Maarteng sambit ni Kim. Ngi-ngising nakatingin sa entrance ng canteen. Kapalmuks ang isang 'to e!
"Hoy mga asuumerang hindot.. baka naman gusto niyong umalis na! Masyado ng malalim ang daydream niyo!"
Bahagyang napataas ang kilay ni Kim at tiningnan ng mataray si Flyne.. At nag flip hair bago umalis. Hmm, wala siyang magagawa dahil fiancé ni Antonio si Flyne..
"Mygosh! Ang kapal ng mukha talaga ng babaeng 'yon.." inis na sambit ko at umupo na. Ganon 'din ang ginagawa ng mga kaibigan ko.
"Masyadong obssess kay Blake ang babaeng 'yon.. sino ba 'yon? Yun ba yung classmate natin na makapal ang mukha?" Asar na sambit ni Flyne at kumuha na ng pagkain.
"Kim Dela Vega, the ultimate fan ni Blake.. well, almost 3 years na niyang pinag-papantasyahan ang si Blake. Mayaman sila perox syempre, mas mayaman ang kaibigan natin na si Saffire.. Dati lang na loner yang si Kim. Naku! Sumikat lang dahil naging leader ng cheerdance. Kahit din kami pinagbabantaan niya pero, hindi kami matatakot sa kanya. Sino ba siya sa inaakala niya.." paliwanag ni Channel..
"Bakit hindi niyo patulan ng mag tanda?" Suhestiyon ni Flyne habang ngumunguya..
"We can do that but we don't like to do that.." sagot ko.
"Pero baki?" She asked in a curious tone..
"They don't know that me and Channel are gangster.. Sila Blake lang ang alam nilang gangster dito.." sagot ko pa!
"Pero, bakit ayaw niyo ipaalam?" Tanong ulit ni Flyne..
"Ayaw namin na kinatatakutan Flyne. Gusto lang namin ng normal life ni Stacey kahit dito lang sa school.." sagot ni Channel.
Tumango-tango naman si Flyne at wala ng nasabi.. I know, she understand us. Well. That's life!