Nang umalis na ang ambulansiya kung saan naka-sakay ang sinuntok ng katabi ko hinarap ko naman siya at ginamitan ng powers. "Tao 'yon, Drake at hindi natin kalaban kapag nalaman 'to ni Maria Irene at Señior Dracula mapaparusahan ka sa ginawa mo." sabi ko ng samaan ko na lang ng tingin ang kaibigan ko na tumahimik bigla. "Nag—" putol niya ng magsalita ako sa harapan niya. "Siya ang sinasabi nina Erika at Harold na doctor ng organisasyon sa hinaharap, Drake nakita ko sa vision ko ng hawakan ko siya kanina at may importante siyang misyon dito at ako 'yon hindi ko masabi kung ano 'yon dahil malabo." sagot ko. Nabaling ang tingin niya sa akin at umiwas siya ng tingin na pinag-takhan ko dahil sa pag-iwas niya. "May hindi ka ba sinasabi sa akin, Drake?" tanong ko at tinaasan ko naman ito ng

