Nalaman ko na nagdadalatang-tao ng magbago ang pakiramdam ko para akong nanghihina. May nangyari sa aming dalawa ni Leo ng mag-isang buwan ang relasyon namin binigay ko sa kanya ang iniingatan ko. "Okay ka lang, Heiley?" tanong niya sa tabi ko nasa laboratory kaming lahat sa nakalipas na buwan malapit nang matapos ang ginagawa namin. "Leo, may sasabihin ako sa'yo..." bulong ko sa kanya hinawakan niya ang kamay ko. Marami ng namatay na kapwa kong agents sa nakalipas na buwan dahil may sumusugod na lobo sa kuta namin pero walang namatay na humans dahil pinalayo kaagad namin sila ng mapansin kami na kakaiba sa paligid mula ng maghanda ang principal para sa graduation namin sa school. May naiwan pa pero wala na sa kanilang mga bahay may gumawa ng basement na katulad ng bahay nila. "Ano ang

