Makalipas ng ilang araw, hindi pa rin nagigising si Amire kaya pinuntahan ko ang kaibigan nito kung okay lang ba ang kaibigan nito hindi ko naisip na ang hinahanap pala ni Amire na ang ama niya si doc Leo dahil ang sabi niya hindi nito maiisip na mag-tratrabaho ito sa organisasyon na kung saan magkakasama ang iba't-ibang nilalang. Tatanungin ko rin kay Eireen kung nahanap nila kung sino ang nagpasimula nang virus sa buong mundo. Nagpunta ako sa training room wala pang inuutos na iba si Erika kina David, Drake, Eireen dahil sa nangyari kay Amire, at palaging mainit ang ulo dahil kay doc Harold. "Nasaan si E, nakita nyo ba siya?" tanong ko sa mga nasasalubong kong agent. "Hindi pa namin siya nakikita." sagot naman ng napag-tanungan ko. Gusto kong puntahan sa secret room si Amire para dun

