Trece

1382 Words

Paglabas namin ni Eireen sa Main Association, tahimik akong naglakad habang hawak ang communicator ko. Hindi ko na tinignan ang laboratory dahil alam kong tapos na ang kailangan kong gawin. Naibigay ko na ang field report, naipaliwanag ko na ang nakita ko sa sample, at may research team nang naka-assign para mag-monitor nito. Pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang girlfriend ni Leonardo. Hindi ko maipaliwanag kung bakit naging ganoon ang reaksyon ko nang makita ko siya. Wala naman siyang ginawa sa akin. Hindi niya ako kinausap nang masama, hindi niya ako pinagbantaan, at wala rin akong nakitang malinaw na dahilan para pagdudahan siya. Pero may kakaibang bigat at discomfort akong naramdaman habang nasa iisang lugar kami. "AA," tawag ni Eireen. Napatingin ako sa kanya. "Hmm?" "Kanin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD