Nakatulugan ko na ang pag-uusap namin dalawa kagabi at nakatulog na sa mga bisig niya pero paggising ko wala na siya sa tabi ko. Pupungas-pungas ako at agad rumehistro ang sakit sa buo kong katawan, utang na loob, palagi bang ganito? Namilipit ako nang mangirot ang gitna kong bahagi at ang balakang ko, pakiramdam ko ay nangangalay at nabalian na naman ata. Dumako ang tingin ko sa may balcony at nakita siyang may kausap pala sa phone habang nakatalikod at nakaharap sa malawak na tanawin sa labas. Hawak niya ang isang tasa ng kape, hindi pa napapansin na gising na ako. Hirap man ako kumilos pero pinilit ko rin at kaya ko naman bumangon hindi tulad noong unang gabi namin. Napansin ko naman na nakasuot na ako ng t-shirt niya na nag-mukang oversized sa akin hanggang tuhod ko pero wala, hi

