"Alam mo? Bakit hindi na lang natin ito ituloy? Tutal naman naipasok mo na," saad ko nang wala nang hiya upang ibahin na ang usapan dahil baka mauwi pa sa malalang pagtatalo. Halos pumalakpak ang tainga niya at lumawak ang pagkakangiti. "You want to continue what was interrupted?" He raised his two eye brows. "Oo, nandirito na lang din tayo ituloy mo na, pareho din iyon, pareho din naman masakit sa susunod na may mangyari sa atin kung 'di mo pa ipagpapatuloy," saad ko at tinanggap ko na lang na hindi ito ang isang beses na may mangyayari sa amin kundi marami pang beses. "Kung ganoon..." Ipinakiskisan niya pa ang ilong niya sa pisngi ko kaya ako na ang nainip. Hinawakan ko siya sa batok at ako na nga ang humalik. Kitang-kita ko at ramdam na ramdam ko ang gulat niya sa biglaang ginawa ko

