Chapter Thirty Three Magulo ang buong isipan ni Travis. Ngunit napagdesisyunan niya na hindi muna niya pupuntahan si Yoko. He's been doing crazy things lately. Tama na muna. Tama na ang kabaliwan niya. Buntis na si Yoko. At ang buong akala niya ay sa kanya ang ipinagbubuntis nito dahil naniniwala siyang walang nangyayari kay Yoko at Aldrich. Pero sa bibig mismo ng nobyo nito nanggaling na sa kanya ang bata sa sinapupunan ni Yoko. Ibig sabihin, mali ang akala niya sa simula pa lang. Sobra siyang nasaktan. Nagmukha siyang tanga. Nagmahal lang naman siya at umasang mamahalin din siya pabalik ni Yoko kagaya noon. Pero mukhang tuluyan nang napuno ng galit at paghihiganti ang puso nito. Sinubukan naman niyang punuin ng pagmamahal niya ang puso nito, pero mukhang nabigo siya. For now, he will

