Chapter Twenty Nine Maagang nagising si Travis kinaumagahan. Hindi niya tinigilan si Yoko kagabi. Naka-ilang rounds siya at sinamantala niya ang pagkakataon na hindi tumatanggi si Yoko sa kanya. Hindi niya ito tinantanan hanggang sa inabot na sila ng alas tres ng umaga. Kaya hanggang ngayon ay tulog na tulog pa rin si Yoko. Mukhang sobrang napagod talaga ito kaya babawi siya rito. Nilutuan niya ito ng almusal, pero mukhang tanghalian na ito makakain ni Yoko. Nakita na nga niyang nagri-ring ang cellphone nito kanina, tumatawag 'yong Aldrich. Sinilent nga niya ang cellphone ni Yoko. Baka mabulabog pa ito at maudlot ang tulog. Inayos niya ang kumot ni Yoko at hinayaan pa muna itong matulog. Nagsumiksik naman si Yoko sa kumot at hinawakan pa nito ang kamay niya. Muli nita tuloy itong tinabiha

