Kiana POV Hindi ko alam kung anong oras na ngayon pero hula ko ay madaling araw na dahil nakaidlip narin ako kanina pero nagising ako dahil sa isang panaginip na hindi ko na gaanong maalala. Naabutan ko naman si Vince na nakaupo sa ilalim ng isang puno at mukhang tulog narin sya. Gusto ko sanang lumapit sakanya pero may lumapit din sakanya na isang lalaki, hindi ko makilala ang lalaki dahil nakamaskara syang itim,hindi ko nga rin alam kung totoong lalaki ba iyon o hindi. Hindi ko narinig ang pinag-uusapan nila dahil malayo ang puno kung nasaan silang dalawa at kung nasaan ako. Nahahalata ko rin na parang seryoso sila sa pinag-uusapan nila. Habang iniisip ko kung ano yung pinag-uusapan nila nakita ko nalang na palapit na si Vince saakin kaya bigla nalamang akong napatayo, nakita ko

