Chase POV Nanonood kaming dalawa ngayon ng korean novela. Hindi naman talaga ako masyadong palanood ng mga palabas pero may nasimulan kasi kami kanina na palabas at nagandahan naman ako kaya sinamahan ko nalang si Kiana na manood. Wala naman akong gagawin na iba at gusto ko lang ay makasama si Kiana. Pinagbigyan ko na din sya dahil kababati lang namin at kung saan sya masaya doon din ako. Kanina pa nga sya kinikilig sa mga koreano na napapanood namin at kawawa ako kapag kinikilig sya dahil nangungurot o kaya namamalo tapos ang lalakas pa niya pumalo kaya sakit na nga nang mga braso at mukha ko dahil nananampal din sya. Mukhang uuwi akong may pasa at mapupula ang pisngi. "Babe nagugutom na ako" Sambit nya. "Anong gusto mong kainin?" Nilagay nya ang kanyang index finger sa labi

