Chase POV Kasalukuyan kaming naghahapunan na ni Kiana. Hindi ko nga alam kung bakit parang sobrang tahimik nya ngayon, kanina naman nung nag-uusap kami dumadaldal naman sya at ayos pa naman kanina pero ngayon parang nawala lahat ng mood nya at tanging natira ay katahimikan. Simula kasi nung binuksan nya yung sss nya tumahimik na sya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kaya nagtanong ako sakanya pero ang lagi lang nyang sinasabi ay "Wala ito". Hindi ako matahimik sa mga inaasta nya kaya siguro mamaya hihiramin o kaya ipapahack ko nalang yung account nya sa sss para naman malaman ko kung ano ba talaga ang dahilan ng pagtahimik nya. Alam kong mali ang gagawin ko dahil privacy nya ang titignan ko pero gusto ko kasi malaman ang dahilan, wala akong malalaman at hindi ko sya matutulungan kung hi

