(Daun's POV) Ako lang ba ang nakahalata o alam na rin nila? Bigla na lang kasing kumalat ang balitang ikinasal kami ni Kyrre. As in paggising na lang namin, inuulan na kami ng chismis sa mga news, social media, and etc. Nakapagtataka lang din na ganito ang nangyayari, dahil siniguro naman namin na hinding-hindi ito makakalabas kahit kanino. At alam kong siniguro ni Kyrre na kahit ang marriage contract namin ay patagong naisaayos. Sa totoo lang ay nakakakaba ang nangyayari, hindi ko ito inaasahan, pero siguro si Kyrre inaasahan niya na ito, alam naman namin pareho na hindi namin ito maitatago ng matagal. As of now my parents are busy at kasama nila sina Kuya at Papa, maging sina Tito at Tita. Sina Triz at Elly naman ay nananatili sa kanila, si Fear, Erlon, Arkyv at Ravon naman ang kasama

