(Daun's POV) Matapos ang celebration kagabi ay halos sabay-sabay lang din kaming nagising kinabukasan kaya tanghali na rin kami nakapag-breakfast. At kahit na inaantok pa ako ay ayoko naman na maiwan na naman dito sa nakakalokang bahay ni Kyrre na napakalayo. "Honey? Mauuna na kaming umuwi sa inyo ha? Kaylangan na naming pumasok sa trabaho," Mom suddenly said pagdating nila dito sa living room. Nanonood kasi kami nina Triz dito habang nagpapababa ng kinain. Niyakap ako nina Mom, Dad, Tito, Tita, at pati na rin si Papa. Mayamaya lang din naman ay dumating na rin pati sina kuya Strong at Danger na yumakap din agad sa akin. Niyakap ko na lang din naman sila and they also hug the girls na kasama ko. Maiiwan naman kami nina Triz at pati na rin sila Fear at susunod na lang din kami sa kanila.

