(Triz's POV) Nagmamadali akong bumaba ng kotse para malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa pamilya nina Daun. Pagpasok ko ay naglilinis pa rin ang mga maid nila ng mga nabasag na gamit at nagkakagulo pa rin sila hanggang ngayon. Sina Ravon naman ay tahimik na nakaupo sa living room habang si Tito ay inaalo si Tita na umiiyak. "Alam mo kung gaano nahirapan ang kapatid mo Fear, alam mo kung gaano tayo nahirapan. Ngayong maayos na ang lahat bakit mo pa pinapagulo ang sitwasyon anak? Hindi ko maintindihan! Bakit hindi ka maawa sa kapatid mo? Bakit hindi ka maawa sa akin, hirap na hirap na akong makitang nahihirapan tayo!" iyak ni Tita habang nakatungo lang si Fear doon. Ako na rin ang kumuha ng tubig na dala-dala ni manang at ako na ang nagabot noon kay Tita. Nginitian lang din naman ak

