CALVIN KLEIN POV "Governor Klein, nandito po ang auntie Pam niyo. Gusto kayong makausap." Natigil ako sa ginagawa rito sa desk nang biglang pumasok ang secretary ko sa aking office. Kumunot ang noo ko. Inayos ko ang suot kong eyeglass pagkatapos tumango. "Let her come in," I said without any hesitations. I showed my emotionless face while waiting for my visitors. Lumabas na ang secretary para tawagin si Auntie Pam. Ilang sandali pa, pumasok na ang medyo may edad na babae. She's wearing a black fitted dress. Mahaba ang suot na takong. Sophistikada itong tingnan sa suot niyang black summer cap. She wears a lot of gold accessories. "Hello, iho...I'm glad to see you today." Agad siyang nagbeso sa akin. She's smiling to me widely. "Hi, Auntie...What brought you here." Umayos ako sa pag

