Hindi ko na alam ang gagawin sa mga oras na ’yun habang pabalik na ako sa hospital room kung saan ako naka-confine. May doctor na roon, naghihintay din sa resulta ng PT. "Congratulations, Mrs Klein...You are pregnant," anas niya pagkakita sa pregnancy test. Hindi man lang ako nakangiti, hindi ko ramdam ang saya. Takot ang bumalot sa akin subalit wala naman ito sa plano na magpabuntis ako kay Calvin. Pero ano'ng nangyari ngayon? What did I just do to myself? Bakit hinayaan ko ang sarili na mabuntis nang ganito kabilis. "Hindi ka ba masaya, Misis? Buntis po kayo," sabi ulit ng doctor nang makita niya ang pagkatulala ko. "D-Doc..." tanging nasabi ko. Tulala pa rin ako nang magtitigan kami ng doctor. Hindi ko namalayan, umagos na pala ang luha ko sa mga mata. "May problema ba, iha?" S

