Prologue

1121 Words
"Bes, sa'n ka na ba, " bungad sa akin ni Neil pagkasagot ko ng tawag. "Jusko bakla ka, nakaka-ilang tawag ka na, pupunta nga ako napaka kulit mo," sagot ko sa kaniya at umirap kahit hindi niya nakikita. "Ere na nga oh nagbibihis na ako!! " Narinig ko ang pag-singhal niya sa kabilang linya. "Aba'y naninigurado lang! Tandaan mo kapag tinalk s**t mo ako tatanda kang dalaga, " sabi niya atsaka humalakhak. "Bilisan mo na, bye! " "Tangina mo! " angil ko sa kaniya bago binaba ang tawag. Shuta. Sino ba namang hindi sisipot sa aya niya kung gano'ng sumpa ang ibigay sa'yo. Baka magkumahog pa ako mag-drive papuntang Pampanga niyan. Tapos naman na talaga ako gumayak, may hinihintay na lang akong delivery mula sa Lazada dahil tumawag sa'kin ang delivery man kanina at papunta na raw siya. Nag-check muna ako ng social media habang naghihintay. Wala naman masiyadong ganap. Puro balita pa rin tungkol sa kapabayaan ng gobyerno. Wala namang bago ro'n. Pagkalipas ng ilang minuto ay tumawag na sa'kin ang delivery man at nasa baba na raw siya ng condo. Dali dali kong kinuha ang wallet ko at bumaba sa lobby. "Good morning po, Ma'am! Bale 765 po," bati niya sa akin. I gave him 800 pesos, "Keep the change, kuya. " I said and smiled at him. Umakyat na ako ulit sa unit ko para kunin ang mga gamit ko papuntang Pampanga. Hindi naman ako matutulog doon pero didiretso kasi ako ng Bulacan after dahil lagi na lang akong kinukulit ni Mama umuwi. 3 months na rin kasi magmula no'ng nakauwi ako sa Bulacan. Dumiretso na ako sa parking lot at nagsimula nang mag-drive. Sana lang ay walang traffic ngayon dahil baka i-todo na sa akin ni Neil ang sumpa niya kapag na-late pa ako. Along the way, dumaan ako saglit sa drive thru at umorder ng iced coffee, fries at burger. Medyo nagugutom na rin ako dahil hindi naman ako nag-breakfast. 6:00 am pa lang kasi ay bumangon na ako dahil alam ko sa sarili ko na napakabagal kong gumayak. Ayoko naman ma-late sa birthday ni Tita Mildred at nakakahiya. Makalipas ang tatlong oras ay nakarating na rin ako sa Pampanga. Buti na lang wala masiyadong traffic at hindi ako na-late. Jusko hindi ako tatandang dalaga! Nag-retouch muna ako ng konti at tinext si Neil bago bumaba ng kotse. Medyo nahihiya kasi ako pumasok sa loob nang mag-isa lang kaya nag-pasundo pa ako kay Neil sa labas. Gosh, my introvert self is shaking. Wala pang ilang minuto ay nakita ko na si Neil palabas ng gate nila ST nagmamadaling pumunta sa kotse ko. Jusko miss na miss ako ni bakla. Lumabas na ako at sinalubong siya ng yakap. Nagtatalon pa kami sa tuwa na makita ang isa't isa. "Shuta ka!! I missed you!! I really thought you won't attend," he said while hugging me. Kumalas ako sa yakap at hinila ang buhok niya, "Tangina! Paano naman ako hindi sisipot e sinumpa mong tatanda akong dalaga! " masamang loob kong sabi. Tumawa siya, "Dapat pala matagal ko na ginamit 'yung sumpang 'yon para uma-attend ka din dati sa mga gala namin," sumbat niya. "O siya pasok na tayo sa loob, miss ka na daw ni Mommy! " We went upstairs to go to his Mom's room. Nang makarating kami sa tapat ng pinto ay kumatok muna si Neil bago pumasok. Napatingin sa amin si Tita Mildred and her eyes twinkled upon seeing me. "Tita!! Happy birthday! " I went to her and kissed her cheeks. "Oh my God, Nica! You came! " she said with a big smile on her face. "Of course, tita! Ikaw pa, malakas ka sa'kin," I winked at her and chuckled. "Eme niyong dalawa, " singit ni Neil at umirap sa'min. "Hay nako, epal na naman si Neil, wala kasing jowa," pang-aasar ko sa kaniya. "Ha? E nasa'n na 'yung poging dentista na naghahatid sa'yo rito lagi? " pagtatakang tanong ni Tita Mildred. Nanlaki ang mga mata ko at napa-tingin sa kaniya. Mahina kong hinila ang kaniyang buhok, "Hoy bakla ka! Wala kang kinu-kwento sa'kin! " nagtatampo kong sabi. "Ma naman! " he exclaimed. "Ay secret lang ba," she said while chuckling. Biglang may nag-ring na cellphone. Neil excused himself to us kaya naman nag-kwentuhan muna kami ni Tita ng konti. Binigay ko na rin ang gift ko sa kaniya dahil baka makalimutan ko pa mamaya. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik din si Neil. "Nics, andiyan na raw sila Paul sa baba. " Tumayo na ako at nagpaalam na muna kay Tita. Habang pababa kami ng hagdan ay bigla akong kinabahan. Hindi ko rin alam kung bakit. Bahala na. Pagkababa namin ay parang nabunutan ako ng tinik nang makitang tatlo lang silang nandoon. Sobrang busy nila magkuwentuhan na hindi nila napansin na nasa likod na nila kaming dalawa ni Neil. Kinalabit ko si Liz at nanlaki ang mga mata niya nang lingunin niya ako. "Hoy, Nica! Putangina mo nagpakita ka rin sa wakas! " bungad ni Liz habang nagmamadaling yakapin ako. Sinalubong ko ang yakap niya. "Hayop ka! Mas malutong pa sa chicharon 'yung mura mo! " "Hoy, Liz, hindi lang ikaw naka-miss kay Nica tumabi ka, " mahinang itinulak ni Paul si Liz at niyakap din ako. Sunod namang lumapit sa akin si Bry at yumakap din. "Huy, Bry, tumataba ka!! " bati ko sa kaniya. "Hahahahaha! " sarkastiko siyang tumawa sa akin. "Pasmado talaga bibig mo kahit kailan! Buti na-miss kita kun'di sasakalin kita! " biro niya. "Si Waks nga pala papunta na rin! Male-late lang siyang onti, " sabi ni Paul na siyang ikinagulat ko. Nagkatinginan kami ni Neil at sinamaan ko siya ng tingin. Tumingin naman siya sa akin na para bang sinasabi niyang wala siyang kinalaman sa sinabi ni Paul. Natigil ang sensyasan namin ni Neil nang may biglang pumasok na tao kaya napatingin kaming lahat sa pinto. I stiffened when I saw a familiar face and my heart started beating so fast. "Oh, ere na pala e! " lumapit si Paul sa taong kakarating lang at inakbayan niya ito. Nilapitan nilang lahat ito at nagyakapan. Samantalang ako ay hindi makagalaw sa kinatatayuan. I suddenly want to leave the place and hide from everyone... again. Unti unti silang lumapit sa pwesto ko nang bigla kaming nagkatinginan. I just remained standing, still stunned. He remained looking at me until they reached my position. I looked away feeling so awkward. "Finally! Na-complete tayo! " Liz giggled looking so happy while I'm not. Ako lang ata ang hindi masaya at never hihilingin na makumpleto kami. "Oo nga, " Joaquin softly said still not leaving his gaze on me. He gave me a small smile and suddenly offered his hand. "Veronica. " My lips parted in shock when he called my name. I looked at him but I immediately avoided his gaze. Kung lalabanan ko ang titig niya, baka umiyak ako bigla sa harap nilang lahat. It took me a few seconds to finally accept the hand he offered. "Joaquin. " I said firmly. "Ang formal naman masyado ng pa-kamay! " Paul butted in and suddenly pushed Joaquin to me. I almost fell out of balance when he suddenly grabbed my waist putting me back into place. "Careful. " he whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD