"Hindi pa rin sumasagot sa tawag ko, e, " nag-aalala kong sabi sa kanilang lima.
Natapos na't lahat ang lunch time ay hindi pa rin siya bumabalik. Sinusubukan namin siyang tawagan ngunit hindi rin siya sumasagot sa mga tawag namin. Nag-aalala na ako ng sobra sa kaniya.
Napansin kong kanina pa nagbubulungan si Neil at Paul sa gilid at nagtataka na talaga ako sa mga kilos nila. Parang hindi man lang sila nag-aalala sa tao, nakakainis! Isa pa, hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ginawa 'yon. Bakit niya kailangan gawin 'yon? I'm trying to think of an answer or his possible reason but I really can't think of one.
Hanggang sa natapos ang araw ay hindi na talaga siya bumalik. Tinry ko ulit siya tawagan pagkauwi ko ng bahay ngunit wala talagang sumasagot. Lumipas pa ang ilang mga araw hanggang sa natapos na ang foundation week ay hindi na siya pumasok. Medyo napikon nga si Bryan sa kaniya dahil isa siya sa mga importanteng players ng team nila at bigla na lang siyang nawala ng walang paalam. Buti na lang at nag-proxy si Paul. Wala na siyang nagawa kahit ayaw niya. Pumayag naman ang mga teachers namin dahil magiging kulang sa player kapag nabawasan ng isa. Muntik na nga silang matalo nung last game nila at nag-overtime pa. Buti na lang at naipasok ni Paul ang isang free throw kaya nanalo sila. Isang point lang ang lamang nila sa kalaban nilang mga grade 12 kaya laking pasasalamat talaga nila na naipasok ni Paul 'yung free throw.
Sumagot siya ng isang beses sa tawag ko nung pangatlong araw na siyang hindi pumapasok at sabi niya'y may inaasikaso lang daw siya. Hindi niya pinatagal ang tawag at ibinaba niya rin agad ito. Pagkatapos noon ay hindi na ulit siya sumasagot sa mga chat at tawag.
Naglalakad ako ngayon papuntang classroom at muntik pa akong ma-late kanina dahil na-flatan ng gulong 'yung tricycle na sinasakyan ko. Buti na nga lang at may mga tricyle pang dumadaan kaya nakasakay agad ako.
Balik regular class na ulit ngayon at kagabi ko pa iniisip kung papasok na ba si Joaquin ngayon. Hindi pwedeng hindi siya pumasok ngayon dahil exams na ulit 2 weeks from now at nag-ru-rush ng lesson ang mga teacher since nag-foundation week last week.
Pagkapasok ko ng room ay nandoon na si Liz sa upuan niya. Umupo ako sa tabi niya at luminga-linga sa classroom ngunit hindi ko pa rin makita si Joaquin.
"Wala pa rin si Waks? " tanong ko kay Liz.
Malungkot siyang umiling. Sabay kaming napabuntong hininga. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kaniya. Ano bang nangyayari?
Inayos ko na lang muna ang laman ng bag ko habang naghihintay na mag-start ang flag ceremony. Since umuulan these past few days, sa loob ng classroom namin ito ginaganap kaya hindi na namin kailangan pang lumabas.
Biglang may narinig akong mga bulung-bulungan kaya naman inangat ko ang tingin ko at napalingon sa kanila. Nakita kong nasa pinto ang direksyon ng mata nila kaya napalingon din ako rito. Pumasok si Joaquin at dumiretso sa upuan niya habang kasunod naman niya si Paul at Neil.
Napaawang ang labi ko at napahinto sa aking ginagawa. Tiningnan ko siya na ngayo'y nakikipagtawanan na sa iba naming kaklase. Nagkatinginan kami ni Liz at mukhang nagtataka rin siya.
Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at nagtungo sa pwesto niya. Kinalabit ko siya kaya napalingon siya sa akin.
"Waks---" naputol ang sasabihin ko nang biglang dumating ang adviser namin.
"Go back to your seats class, " utos niya.
Inalis ni Joaquin ang tingin niya sa akin at bumaling na sa harap. Wala akong nagawa at bumalik na lang din sa upuan ko.
"Let us all remember that we are in the Holy presence of God..."
"And adore His Holy Name..."
Nang matapos ang flag ceremony ay nagsimula nang magturo si Ma'am. Hindi ako makapag-focus sa mga itinuturo niya dahil medyo bothered pa rin ako kay Joaquin. Naudlot pa 'yung pag-uusap namin tapos sa oras ng recess ko pa siya pwedeng makausap. Kanina ko pa nga siya tinitingnan mula rito sa upuan ko ngunit hindi naman siya lumilingon.
"You may now have your recess class, " pag-dismiss ni Ma'am sa klase na parang musika sa tenga ko. Nagmamadali kong kinuha ang wallet at cellphone ko mula sa bag at nagtungo agad sa pwesto nila Joaquin. Hindi ko na nga nahintay si Liz kahit tinawag niya ako.
Lumapit ako kay Waks na kausap si Neil ngayon. Tinapik ko ang balikat niya. "Waks..."
"Uy, Nica! Tara recess na tayo! " masigla niyang sabi at umalis sa harap ko. Napapikit ako ng mariin. Kailan ko ba siya makakausap ng matino?!
Tumingin ako kay Neil at nagkibit balikat lang siya. Inakbayan niya ako at sabay na kaming naglakad palabas.
Nakita ko sila Paul, Bryan, Liz, at Waks na magkakasamang naglalakad papuntang canteen. Medyo malayo na sila sa pwesto namin.
"Anong sabi ni Waks? " tanong ko kay Neil habang ang mata ko'y nakatuon sa likod ni Joaquin.
"Ha? Pa'nong anong sabi? " nalilito niyang tanong.
"I mean... wala ba siyang sinabi? Hindi ko pa rin siya nakakausap ever since nung nangyari sa foundation week. "
He scoffed. "Wala 'yon. 'Wag mo na isipin. "
My forehead creased at his answer. "What do you mean? "
He just gave me a smirk. What the hell!
Hanggang sa makarating kami sa canteen ay pinipilit ko siyang sabihin kung anong ibig sabihin ng sinabi niya. Natahimik na lang ako nang nagtungo na kami sa table kung nasaan sila.
"Hoy, Nica, pengeng piattos! " wika ni Bryan habang nakalahad ang palad. Inabot ko sa kaniya ito at kumuha naman siya ng ilang piraso. "Thanks! " masigla niyang sabi.
"W-waks, ikaw? Gusto mo? " pag-aalok ko sa kaniya.
Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Ay hindi, ayos lang, " sagot niya at bumalik na ulit sa pakikipag-kuwentuhan sa kanila. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Bakit para akong napahiya somehow kahit wala naman atang nakapansin sa mga kaibigan namin? He's been dodging me off since morning. I don't know if that's what he's doing but that's what I feel. It's what he makes me feel. Or am I just overthinking? Ugh, I don't know!
Nagpatuloy lang sila sa pagku-kwentuhan habang ako nama'y tahimik lang na nakikinig at kumakain. Nang matapos ang oras ng recess ay nagsibalikan na kami sa classroom. Busyng busy sila sa pagku-kuwentuhan na hindi nila napansin na naiwan na nila ako sa likod. Buti nga't napansin ni Bryan kaya't huminto siya para makahabol ako sa kaniya.
"Okay ka lang? " tanong niya habang sabay kaming naglalakad.
Tipid akong ngumiti sa kaniya. "Okay lang. "
Nang dumating ang lunch time ay do'n na ako pinaka-nainis kay Joaquin. He is obviously avoiding me! I tried to start a conversation with him not once, not twice, and also not thrice! I've lost count! But then he's gonna change the topic, or he's gonna talk to Paul, to Neil, agh! Basta! Ayoko na. If he's avoiding me, then so be it! Siya itong nag-walk out bigla, ang hindi pumasok buong foundation week, ang tinatawagan ko halos buong magdamag pero hindi niya sinasagot, ang nag-cause ng pag-aalala sa'min, and then now hindi niya ako papansin? Fine! Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya pero bahala siya!
Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay bumalik na agad ako sa classroom at hindi na sila hinintay. Sinabi ko na lang na may gagawin pa ako para hindi na sila magtaka.
Pagkarating ko sa room ay konti lang ang mga nadatnan kong kaklase. Halos lahat kasi sa amin ay sa canteen kumakain, ang iba nama'y sa labas, at konti lang ang mga nagbabaon.
Didiretso na sana ako sa upuan ko nang mahagip ng mata ko si Aaron na nanonood ng brooklyn 99 sa cellphone niya. Hanep talaga 'yung mata ko, napakagilas.
Lumapit ako sa kaniya at bahagyang yumuko para makita ang pinapanood niya. "Huy, favourite ko 'yang series na 'yan! " masigla kong sabi sa kaniya habang nakatingin pa rin sa cellphone niya.
"Hala talaga? Ang ganda nga, e. Kaso ang tagal ko matapos, ang haba kasi, " sagot niya naman.
Lumingon ako sa kaniya. "Anong season ka na? "
Nakita kong nanlaki ang mga mata niya at bahagyang inatras ang mukha niya. "A-ano, uhm, season 1 pa rin, " nauutal niyang sagot. Napatango naman ako.
"Ganda 'yan! Kaso 'di ko muna pinapanood 'yung season 5. On going kasi so baka mabitin ako, " kaswal kong sabi kahit hindi naman niya tinanong. Share ko lang, baket!
Inabot niya sa'kin ang isang earphone. "Gusto mo manood? "
Malawak akong napangiti at kinuha ang earphone na binigay niya. "Sure! "
Hinila ko ang isang upuan at itinabi sa kaniya. Kinabit ko ang earphone sa tenga ko at nakisabay na sa kaniya sa panonood. Episode 17 pa lang siya ng season 1 so mahaba-haba pa talaga ang hahabulin niya. Nung Christmas break kasi ay nakita ko ito sa netflix tapos nung nagustuhan ko siya, tinapos ko hanggang season 4 agad. Tapos nag-search na rin ako sa google tungkol sa series at sa mga characters and then ayon nga, nakita kong on-going pa 'yung season 5.
"Huy hala, favorite character ko 'yang si Gina Linneti! " excited kong sabi nang nag-appear si Gina Linneti. "Ikaw sinong favorite character mo so far? " I asked him.
He paused the video. "Hmm.. Captain Holt! " he chuckled.
My lips formed an o. "No wayyy! Siya favorite ko after ni Gina! " I said and played the video again.
Tawa lang kami nang tawa habang nanunuood nang biglang may umubo ng malakas kaya napaangat ang tingin namin at pinause ni Aaron ang pinapanood namin. Nasa harap namin si Bea ngayon na malawak ang ngiti sa amin.
"Ano 'yan!? " tanong niya na may bahid ng pang-aasar sa tono.
Tinawanan ko lang siya at inirapan siya. "Baliw ka. " tinanggal ko ang earphone sa tenga ko at ibinalik na ito kay Aaron. "Uy, thank you! Balik na ako sa upuan ko, " I gave him a genuine smile as I stood up from my seat.
Napahawak siya sa batok niya. "You're welcome. Bukas nood ulit tayo, " nahihiya niyang sabi at umiwas ng tingin.
"Jusko, Aaron, pulang pula! " pang-aasar ni Bea na hindi pa rin umaalis sa harap namin. Mahina ko siyang hinampas sa braso ngunit tinawanan niya lang iyon.
Pagtalikod ko mula sa pwesto nila ay napahinto ako nang makitang nandoon si Neil at Joaquin sa pinto at nakatingin sa direksyon namin. Umiwas ako ng tingin at bumalik na lang sa upuan ko. Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko at nakitang malapit na mag-bell. Napalingon naman ako sa tabi ko nang naramdaman kong may umupo rito. Akala ko ay si Liz dahil siya ang katabi ko pero si Neil pala ito.
Naniningkit ang mata niya na tila ba'y nanunuri. "Ano 'yon? "
"What? " walang gana kong sagot.
"Yung kay Aaron doon! " mariin niyang bulong.
Sasagot na sana ako ngunit naputol ito nang biglang hinampas ni Liz si Neil. "Hoy, ako r'yan. Bumalik ka roon sa upuan mo. "
Inirapan siya ni Neil at tumayo na. "Hay nako! Epal! " pabirong sabi niya kay Liz. Bumaling siya sa akin. "Hindi pa tayo tapos ah! " banta niya at umalis na.
Nang mag-bell ay nagsibalikan sa mga upuan nila ang mga kaklase ko. Buong araw ay puro discussion ang mga teacher at literal na walang extra time kahit 15 minutes para man lang huminga sa mga lessons. Literal na pag-alis ng isang teacher ay papasok na agad ang kasunod na subject. Naghahabol din kasi sila kasi nga malapit na rin kaming mag-moving up at kailangang maaga ang computation ng grades.
Nang matapos ang klase ay agad akong nagligpit ng mga gamit ko at patagong sumibat sa kanila. Dahil malapit lang sa pintuan ang upuan namin, nakatakas agad ako nang hindi man lang napapansin ni Liz. Minsan talaga lutang din 'tong kaibigan kong 'to, e. Katabi na niya ako ah, pero hindi pa rin niya ako napansin.
Buti na lang din at hindi ako cleaners, hindi ko na kailangan magtagal sa school. Para kasi akong na-su-suffocate sa room dahil kay Joaquin. Kaya nga tumakas na lang din ako para hindi ko na siya makasabay sa tricyle. 'Di bale nang 40 pesos ang ibayad, 'wag lang siyang makasabay dahil naiinis pa rin ako sa kaniya!
Pagkarating ko ng bahay ay dumiretso muna ako sa ref dahil kanina pa ako uhaw na uhaw. Naubusan kasi ako ng tubig sa tumbler ko kanina dahil naubusan ata ako ng laway kanina sa maghapong discussion kahit hindi naman ako 'yung nagsasalita at nagtuturo.
Sumilip muna ako sa kwarto nila Mama at nakitang walang tao ro'n. Mag-isa na naman ako sa buong bahay. 'Di bale, sanay naman na ako.
Papasok na sana ako sa kwarto ko nang bigla kong narinig ang doorbell. Napakunot ang noo ko. Imposibleng sila Mama 'to dahil diretso nang papasok ng bahay 'yon dahil may susi sila.
Ibinaba ko muna ang bag sa kwarto ko at nagmamadaling bumaba dahil nakakailang doorbell na 'yung tao sa labas. Medyo makulit siya, ah.
Pagkalabas ko ng pinto ay napahinto ako nang matanaw si Joaquin na nasa harap ng gate. Bahagya akong nagulat ngunit napalitan din agad ng inis nang maalala ko ang trato niya sa akin buong araw. Lumapit ako sa pwesto niya at hindi siya tinitingnan.
"What are you doing here? " I asked in a cold voice while avoiding his gaze.
"Are you mad? " he asked that made my gaze turn to him.
I let out a fake laugh. "Shouldn't I be the one asking that question? " I glared at him.
"What? " he asked as if he doesn't know what I'm talking about. Wow, this man is really annoying. Lumabas ako ng gate para harapin siya ng maayos. Huminga ako ng malalim at mariin siyang tiningnan sa mga mata.
"You've been avoiding me, for God's sake, Waks. And don't you ever deny it because it is so freaking obvious! I've been trying to approach you but you will immediately dodge me off, I mean, what the hell is that!? Also, last week! You did this thing... and... and... I've been trying to reach you and you did not answer my calls! I was worried, do you know that?! You were absent all week when you know very well that attendance is a must! What is happening with you, Joaquin Javier!? " I raged at him. I am just so mad at him.
Yumuko siya. "Sorry..." bulong niya.
Napapikit ako at huminga ng malalim. "I am not asking you to say sorry. I need an explanation to these stupid actions of yours kasi nagmumukha akong tanga rito, oh?! Don't you know how awkward it is? "
Tumingin siya sa mga mata ko. "Iniiwasan kita kasi alam kong pag-uusapan natin 'yung nangyari last week at hindi ko alam kung anong sasabihin ko..."
"E bakit ba kasi... I mean bakit ba kasi nangyari 'yon? "
Bigla siyang natameme. Hindi siya nakasagot at agad at halatang hindi niya alam ang sasabihin niya.
"A-ano... uhm... siyempre protective lang akong kaibigan! M-mamaya hindi ka naman pala comfortable sa gano'n, " sagot niya atsaka umiwas ng tingin.
Napakunot ang noo ko. "Ha? Anong... panong... panong hindi magiging comfortable, e trip trip lang naman 'yon? "
Napakamot siya sa ulo niya. "S-siyempre, protective lang akong k-kabigan! Kahit naman kay Liz m-mangyari 'yon, g-gagawin ko rin 'yon, " pautal-utal niyang sabi.
Nakakunot pa rin ang noo ko. I still don't buy it. "Sure ka ba diyan sa mga sinasabi mo? " nalilito kong tanong sa kaniya.
"Oo naman! "
"E bakit hindi ka pumasok nung foundation week? " I crossed my arms.
Umiwas na naman siya ng tingin. Nakakainis ha! Hindi ko na alam kung papaniwalaan ko pa ba ang mga sinasabi niya e.
"Nagpasama si Papa sa Cavite para sa site visit. Wala raw yung secretary niya kaya sinama niya ako. Nagpaalam ako sa mga teachers kaya excused ako, " he explained.
Napanguso ako. Okay. Atleast nalinawan na ako ngayon.
"Okay na tayo? " nangingiti niyang tanong.
Hinampas ko siya ng malakas. "Ang dami mo kasing arte! " inirapan ko siya.
Hinila niya ang palapulsuhan ko at niyakap ako. Ibinalot niya ang kaniyang mga kamay sa aking bewang at isinandal ang baba sa balikat ko. "Sorry na nga, e. "
Hinayaan ko lang ang mga kamay kong nakababa at hindi ito ibinalot sa kaniya.
Mapait akong napangiti. Out of all the answers he gave me, bakit iba 'yung inaasahan kong sagot mula sa kaniya?