Chapter 23

1500 Words
Napailing na lamang ako sa ginawa niya. Kung hindi ko pa siya sinabihan na mag-apologize kay Sage ay hindi niya pa gagawin. Sumakit bigla ang ulo ko sa kanya. "Hey, your silence kills me. I apologized and that's what important." "But you ruined his surprise for her!" Kahit hindi ko alam ang preparations na ginawa ni Sage, ang nasisiguro ko ay todo effort siya na winasak lang ng matabil na sila ng isang ito. "What difference did it make?" "Huge!" Gusto pala niya na magbunganga ako sa kanya ha? Mas naipailing ako sa aking sarili dahil I hopped on his car kahit nabubuwisit ako. "I'll buy you anything you like." "You can't buy reconciliation. Sa bintana lang ako nakatingin at bilib nga ako sa sarili ko dahil nasuot ko ang seat beat kahit napapikit mga mata ko. "Is that so?" Gusto kong sipain ang pagmumukha niya nang mabura ang mala-devilish na smirk niya, kaso I already found myself inside the shopping mall. How did we get here so fast? "Look!"—he pointed at the poster outside the cosmetic store—"they have an ongoing anniversary sale. Great thing we went together." I pouted at umiwas na lang ako sa tukso. Unti na lang talaga at tutubuan na ng sungay ang kasama ko. "We're here to buy a phone, right? Let's be financially responsible." I wiped my sweat which is a mystery samantalang nasa air-conditioned facility naman kami. "Don't you think buying things on sale is also part of becoming financially responsible?" I close my ears using my hands. Hindi na ako malilinlang. Hindi ko mauubos ang allowance ko sa beauty products. "Don't worry, XLB. You can use my credit card." Naglakad ako palayo sa tukso pero mas lalo lang tumindi ang aking desire na gumastos nang makasalubong ako ng mga taong may bitbit na mga shopping bags. Minnie, don't use someone else's credit card for your vanity! Nagulat na lang ako nang may isang pares ng kamay na nagtulak sa aking sa store na iniiwasan ko. At hindi na ako nakatakas sa mga sales representative na nagtanong kung ano ba ang kailangan ko. Yung totoo sila ba ang mga spawns ni Ash? Napaka-enthusiastic nila. 'Yung iba hinihila na ako papasok sa stores nila. Thirty minutes later ay lumabas ako ng store na may bitbit na maliit na shopping bag. Nakaka-proud dahil usually lumalabas ako ng store na ito na may bitbit na tatlong shopping bags. "Are you sure that's all you need?" Tumango ako kay Ash. "Can we buy your phone na?" We rode the elevaor going to the fourth floor at para kaming mga artista na pinagkaguluhan ng mga phone salesperson. Nagtago ako sa likuran ni Ash because I don't have energy left to refuse those people's offers. Nagulat naman ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at diretsong nagtungo sa cellphone flagship store. Wala pang sampung minuto ang itinagal namin dahil alam na kaagad ni Ash kung anong bibilhin niya hindi katulad ko na nag-decide kung anong shade Ng powder blush ang pipiliin ko sa loob ng isang oras. Akala ko ay matatapos na kami after mabayaran ni Ash ang phone niya, pero hindi kami pinalabas ng sales rep dahil kailangan daw naming mag-fill up ng form para sa ongoing raffle promo. Hihirit pa sana si Ash na hindi na namin kailangang mag-fillout pero huli na ang lahat nang naisulat ko na ang pangalan ko. "Why?" tanong niya habang ako'y nakatutok lang sa sinusulat ko. "The Grand Prize is trip to Italy for two!" Sumulyap lang si Ash sa kanyang relo habang hinihintay akong matapos. "Are you hungry?" Tumango lang ako. "Saan mo gustong kumain? I don't accept "kahit saan" as an answer." Tumakbo ako sa restaurant na may mascot ng pusa. "Let's eat here!" Tumango siya saka sinabing, "That was faster than I expexted." Ipinaliwanag ko na nang mapadaan kami sa kainang ito ay hindi na nawala sa isip ko ang mascot. "Let's eat bago pa kita dalhin sa mental." Pagkatapos naming kumain, nagyaya siya na baka puwede raw kaming maglaro sa arcade since tapos naman na ang exam. Pumayag na ako kasi gusto ko ring makuha 'yung plushie mula sa isa sa mga favorite anime series ko. Nanlaki ang aking mga mata dahil mahigit sa isang libong tokens ang iniabot sa akin ni Ash. "I'll do my thing and you do yours." Wala na akong inaksayang panahon ay dumiretso na ako sa claw machines. Nakaka-isang daan na akong tokens ngunit hindi pa rin ako sa succesful sa pagkuha sa aking targeted plushie. Sumunod akong pumunta sa gachapon machines dahil kahit papaano ay makukuha ako at hindi nga ako nagkamali ng desisyon kasi I pulled out a rare figure ng character na may abs pa! At kahit hindi naman ako magaling mag-basketball ay sinubukan ko na rin tutal nandito naman ako. Pagkalingon ko kay Ash, may mga tickets na siya na kasing haba ng kurtina sa aking kwarto! Nanood na lang ako kung paano niya patayin ang zombies sa one person shooting game na nilaro niya. "Did you get the plushie?" I shook my head. Nagulat na lamang ako nang bigla niyang tinapos ang game at saka nagpunta sa claw machines. Sa ikalimang try niya, ay doon niya nakuha ang plushie. "Here." Nakaluhod siya nang mga panahong iyon samantalang ako naman ay napaturo sa aking sarili. "For me?" He shook his head. "Do you want this plushie or not?" Bago pa magbago ang isip niya ay hinablot ko na ang plushie at niyakap ito. Dahil na-achieve ko naman ang purpose kung bakit ko siya sinamahan, inilagay ko sa palad niya ang mga natirang tokens. Nasa tabi lang niya ako at pinapanuod ko siya kung paano maglaro. He exchanged his tickets sa may counter at based sa number ng tickets na nakuha niya ay nakatanggap siya ng mini fridge. "I'll give this to Ate." Napahawak ako sa aking dibdib dahil hindi ko maintindihan kung bakit nakadama ako ng kirot. Nang sinabi niya iyon ay napakalapad ng kanyang mga ngiti at nag-blush pa siya. Alam niyo 'yung feeling na napadaan sa harapan mo ang iyong crush? Sure, it was normal for siblings to admire each other pero parang naweweirduhan ako nang mga panahon na iyon. "Her skincare products will surely love it." Napakamot ng ulo si Ash. "You can put your moisturizers inside." "For what purpose?" "So when it is cool when you put it on your skin. Then, it will preserve the products as well." We stopped by the bench and discussed kung bakit mas ideal ang skincare fridge kaysa normal fridge pagdating sa skincare products. He raised his right arm. "Ha! You win." Abot langit naman ngiti ko dahil kahit sabihin pa natin na nonsense ang topic na pinagdebatehan namin ang mahalaga ay ako pa rin ang winner. Four Days Later... I squeezed my red stressball. Sa loob ng dalawang minuto ay nakatitig lamang si Uncle sa test papers ko. Minsa'y kumukunot ang noo niya , pagkatapos ay tumango at napabuntong hininga pa siya. Ganoon ba kababa ang test result ko? Nagngingitngit na ang ngipin ko at mukhang mapupud ko na yata ang aking kuko kakahintay sa sasabihin niya. "That's not bad." Pagkatapos ay inilapag niya sa desk ang stack ng mga papel na siya ko namang kinuha. I shuffled them as if I was holding playing cards. At tama nga si Uncle. My scores ranges from 80-85. The question was if this would be sufficient to allow me in participating the 3 day training camp? "You may go." He said while scrolling something on his computer. Nagtaas lang ako ng kilay. "What?" I cleared my throat. "Today's not the time, Clementine." I wheezed when the same words he told to delay something were used. Hindi mo na ako mabubudol Uncle. "This wasn't you." True. If the old Clementine would watch her current self begging to their strict Uncle for a permission to join a training camp, she would have a heart attack. "How about for 2 days?" "Deal." Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapatalon at mayakap si Uncle. Pagkalabas ko ng office, ay kaagad akong nag-update sa aming GC. Since bukas ang start ng training camp ay nagimpake na ako ngunit sa kalagitnaan ng pagpili ng mga swimsuits na aking dadahin ay bigla na lang akong nakatulog sa gitna ng kabundok na mga damit. When I looked at my phone, it was already 3 am. "Oh shoot! " Napatalon ako dahil in three hours lang ay dapat nasa school gates na ako. Wala ako pakiaalam kung hindi na color coordinate at hindi naka-sort by aesthetic ang mga damit na isinuksok ko. Ang mahalaga ay wala itong mga butas. Kung may makalimutan man akong dalhin siguro naman may malapit na stores sa near our accomodation. Nakahinga ako nang maluwag nang madatnan ko pa ang itim na service van namin. Mabuti na lamang at isang maliit na luggage ang aking idinala dahil si Sage pa ang naglagay nito sa trunk. Elyu, here we go!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD