Rinig na rinig ko ang pagtibok ng aking puso. "Pasensya na. I will be more sneaky this time." Umiling siya at muling ibinalik ang atensyon sa aming misyon na makipagtsismisan. "Seriously, Hunter, mas kailangan mong maging mahigpit kung ayaw mong maging katulad ko si Minnie!" Ha? Nagtaka ako habang pilit na iniintindi kung paano ako naging paksa nila. Nanahimik lang ako rito. "Minnie, might look dumb, pero hindi ko iniisip na siya ang tipo ng babae na magpapaloko sa kahit na sinong lalaki." Kanina, nakaramdam ako guilt dahil sa panghihimasok sa isang bagay na wala naman talaga akong kinalaman, pero dahil sa narinig kong pinag-uusapan nila ako sa likuran ko, siguro ay okay lang ito. Now, alam ko na talagang iniisip ni Uncle na dumb ako. "And could you ever say that Clint took advan

