Kahit ang aking mga sandals ay umayaw na sa kakalakad ko. Napapangiwi na rin ako sa bawat hakbang dahil sa hapdi ng mga paltos sa aking paa. Mayamaya pa'y sinundan ako ng mga tatlong lalaki. May itinatanong sila sa akin ngunit hindi ko sila maintindihan. Sinubukan kong humingi ng tulong at magtago sa likuran ng ale na nagtitinda ng mga mansanas ngunit tinulak niya ako at sinigawan. Sinamantala nila ang pagkakataon at binuhat ako. Siyempre hindi ako pumayag na basta na lamang ma-abduct at kinagat ko ang leeg ng lalaking bumuhat sa akin ngunit sinuntok niya ako sa tiyan dahilan upang mawalan ako ng malay. Pagkagising ko ay nasa isang madilim na kwarto ako. Ang tanging source of light lang ay ang maliit na butas na nasisinagan ng araw. Sa magkabilang gilid ay dinig ko ang paghikbi ng isa

