-Minnie- Matalim ang titig ni Uncle sa akin. At hindi lang siya ang nag-usisa sa akin na para bang isa akong exhibit Sa musuem. Nakisama na rin sa interrogation si Mommy. "May dumi ba ako sa mukha? Saang banda?" Dalawang beses pa ako nagpunas para masigurado na mawala kung anuman ang tinititigan nila. Binitawan ni Mommy ang utensils at hinawakan ang aking kaliwang kamay. "Anak, if may pinagdaraanan ka ay huwag kang mag-atubiling magkwento sa amin we'll hear you out without prejudice." Ako naman ang tumitig nang nakakunot ang aking mga noo. "Mom, I'm fine. I guarantee you, I'm not suicidal." Mga ilang segundo rin ang nakalipas bago ako makatanggap ng reaction mula sa kanila. They sighed and shook their heads, though. Uncle shook his head and gave a noncommittal shrug. "Maybe they had

