CHAPTER 27

1197 Words

#LivingWithYou CHAPTER 27     Hanggang sa pag-uwi ay hindi maalis ang ngiti sa labi ni Bryan. Sa tuwing sasagi sa kanyang isip ang ginawa ni Yumi, kasabay nun ay ang paglundag ng kanyang puso. Hindi niya ikakaila na nagustuhan niya ang ginawa nitong paghalik sa kanyang pisngi na kahit siya ay hindi niya mapaniwalaang magagawa nito.     Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung para saan ba ang ginawa na iyon ni Yumi. Masaya lang ba ito kaya nagawa iyon sa kanya o may iba pang dahilan?     Hindi rin maintindihan ni Bryan ang kanyang sarili at ang puso niyang patuloy sa paglundag. Dahil ba sa tuwa o may iba ring dahilan? Pero isa ang sigurado siya, masaya ang kalooban niya dahil kay Yumi.     Binuksan ni Bryan ang pintuan saka siya pumasok. Sinara niya rin ang pintuan.    “Bakit ngay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD