#LivingWithYou CHAPTER 79 Nasa hapag-kainan sila ngayon. Pinagsasaluhan ang miryendang inihanda ni Celine na katabi si Eros sa kanan habang sa kaliwa naman at magkakatabi ang inuupuan nila Bryan, Milagros at Kenneth. “Hindi pa rin nagbabago ang galing mo sa pagluluto Celine, ang sarap nitong biko mo saka banana cue,” puri ni Milagros kay Celine na napangiti naman sa sinabi niya. “At ikaw, manang-mana sayo ang anak mo, bolera,” biro ni Celine. Nagtawanan tuloy ang lahat. “Hindi ako bolera. Nagsasabi lang ako ng totoo,” pagdipensa ni Milagros sa sarili. Napatingin ito kay Bryan na kumakain ng banana cue. “Kumusta anak ang pag-aaral mo?” tanong pa nito. Nilunok na muna ni Bryan ang nanguya niyang banana cue bago nagsalita. “Okay naman nay,” sagot ni Bryan.

