#LivingWithYou CHAPTER 42 Nakaupo pa rin sa sahig si Bryan, nakasandal ang likod sa pintuan. Nakatakip ang kanyang dalawang kamay sa mukha, malalim ang nagiging paghinga. Pamaya-maya ay napabalikwas si Bryan dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng kanyang kwarto. “Bryan!” pagtawag ni Eros mula sa labas saka kakatok muli. “Bryan please kausapin mo ako,” pakiusap pa nito saka muling kumatok ng apat na beses. “Hayaan mo akong magpaliwanag,” saka muling kumatok ng sunod-sunod. Napahawak sa sentido si Bryan at hinilot-hilot iyon. Nananakit ang kanyang ulo dahil sa masyadong pag-iisip. “Bryan! Kausapin mo ako!” sigaw ni Eros mula sa labas. Halata sa boses nito ang pagkadesperado. “Pakinggan mo naman ang mga sasabihin ko,” sabi pa nito saka muli na namang kumatok

