#LivingWithYou CHAPTER 38 Natapos na ang maghapong exam. Naglalakad na ngayon sila Bryan, Gab, Marco at Eros sa hallway at bababa na ng school building. “Grabe! Pigang-piga ang utak ko ngayong araw,” reklamo ni Marco. Halata rito ang pagod at panlalata dahil sa maghapong exam na tinake niya. Napatingin sa kanya si Gab. Napangisi ito. “Sobrang hirap ba?” tanong nito. Tiningnan ni Marco si Gab. “Anong sa tingin mo?” tanong ni Marco. Natawa si Gab. Nauuna ang dalawa sa paglalakad. “Halata nga sayo na sobrang nahirapan ka,” sabi nito. Napanguso si Marco. “Sobra talaga. Himala na lang siguro kung makakapasa ako.” “Hindi ka kasi nag-aaral kaya ka nahirapan,” sabi ni Gab. Sinamaan niya nang tingin ni Marco si Gab. “Bakit ga

