#LivingWithYou CHAPTER 35 Naunang pumasok si Marco sa classroom kasunod niya si Bryan. “Yow!” sabi ni Marco sabay tapik sa balikat ni Eros. Pumunta rin ito sa likod ni Gab at tinapik sa balikat ang kaibigan. Napatingin lamang sandali si Eros kay Marco saka bumalik rin sa harapan ang tingin. “Sabay kayong pumasok?” tanong ni Gab kay Marco nang tingnan niya ito. Tiningnan rin nito si Bryan saka ngumiti. Napangiti at tumango naman si Bryan sa kanya bago ito naupo sa upuan niya. “Oo. Nagkasabay kami diyan sa labas,” sagot ni Marco na umupo sa upuan na nasa kaliwa naman ni Bryan. Napatango-tango si Gab. “Oo nga pala, okay na ba siya?” tanong ni Marco kay Gab. “Oo, okay na siya,” sagot ni Gab. Tiningnan nito si Eros na nakatingin pa rin sa harapan at

