#LivingWithYou CHAPTER 99 Nasa loob ng banyo si Bryan at Eros. Magkatabi sila sa tapat ng sink. Parehas na walang damit pang-itaas at tanging ang nakatapis na twalya lamang ang tumatakip sa kanilang pang-ibaba. Kita mula sa repleksyon sa salamin ang magandang hubog ng kanilang mga katawan na medyo mamasa-masa pa dahil kakatapos lamang nilang maligo ng sabay. Tumigil sa pagsisipilyo ng ngipin si Bryan ng makita niya mula sa repleksyon sa salamin si Eros na nakatingin lamang sa kanya. Nangunot ang kanyang noo dahil sa pagtataka. Inalis sa bibig ang toothbrush saka dinura ni Bryan ang bula ng toothpaste sa lababo saka nagmumog at pinunasan ang bibig. “Bakit?” nagtatakang tanong ni Bryan. sabi kasi nito sabay silang magtoothbrush pero hindi naman siya sinabayan. N

