Ilang beses ulit akong napaatras sa narinig mula kay Melvin. Literal din na nalaglag ang panga ko sa sahig, kulang na lang ay pasukan ng langaw itong bibig ko sa sobrang pagkakanganga ko. Kalaunan nang mapalatak ako sa hangin. "Feeling ko ay kulang pa 'yan sa sobrang laki mong epal sa buhay ko. Gusto mo bang dagdagan ko ang sakit ng katawan mo?" singhal ko rito, hindi na yata matapos-tapos ang pagkainis ko sa lalaking 'to. "Hindi ba dapat ay masaya ka? Alam mo bang hindi ako nakapasok ngayon dahil sa kagagawan mo? Sa sobrang sakit ng leeg ko ay hirap akong yumuko at lumingon, rason 'yon para malaglag ako sa hagdan. Kaya heto at kailangan ko pang magpunta ng hospital— look at me now, Chloe. Sobrang saya mo ba na may nasasaktan kang tao?" mahabang lintanya nito dahilan para mapatitig ako s

