Alam kong mahaba ang buhok ko, ganoon din siguro ako kaganda para magustuhan ni Trevor, but no. Hindi pa nagtagal nang magkahiwalay din kami ni Trevor, nagpaalam na ako dahil alam ko namang may trabaho pa ito sa sarili niyang shop. Nang makalabas ay lumiko ako sa kanan, saka tinahak ang daan sa gilid ng kalsada. Marahan ang bawat paglalakad ko, hindi ko pa kasi mawari kung uuwi na ba ako o hindi muna. Since dakilang lakwatsera naman ako ay parang gusto ko pang magliwaliw at ubusin ang oras ko para sa araw na iyon. Dagli ko pang kinuha ang cellphone ko sa bag at tiningnan kung may missed call ba, o maski iniwang message si Melvin sa akin ngunit kaagad ko lang din iyon ibinalik sa loob ng bag ko nang wala kahit isa. Ano kaya ang ginagawa ng lalaking 'yon? I'm just worried. Though, hindi

