Tamad na tamad ako habang nilalakbay ang daan palabas ng Corazon Residence. Dinig ko pa ang mabibigat kong yapak, lalo at nakasuot ako ng three inches heels. Kung maaga ko lang nalaman, sana ay hindi na ako nag-effort pa. Kung sa Dela Vega International Airport ngayon si Melvin, meaning to say— hindi ko siya makakasama. Mas humaba ang nguso ko sa katotohanang iyon, pakiramdam ko ay maghapon akong malulungkot nito. Imbes na si Melvin ang pagsisilbihan ko sa Dela Vega Publishing House ay si Drew yata ang magdamag kong pakikisamahan, hmp. Wala namang problema iyon sa akin, masasabi kong close na sa akin si Drew. Madali lang nagka-swak ang kabaliwan namin, lalo at isa rin siyang hamak na takas sa mental ngunit hindi ko pa rin maiwasang madismaya na hindi ko makikita si Melvin ngayong araw.

