Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng Dela Vega Publishing House ay mabilis lang na lumabas si Melvin mula sa driver's seat, akala ko pang dederetso ito sa pagpasok sa loob ay maagap siyang umikot sa banda ko. Rason iyon upang matigilan ako sa tangka kong pagbukas ng pinto, natulala na lang din ako sa bulto ng katawan niya na sinusundan ang bawat paggalaw nito hanggang sa tumigil ito sa gilid ko. Kalaunan nang mapagbuksan niya ako. Tiningala ko ito, bahagya pang nakaawang ang labi ko habang namamanghang pinagmamasdan ang mukha ng boyfriend ko— ako lang ba, o sadyang ang gwapo-gwapo lang talaga niya? Wala man lang akong maipintas, bukod sa masungit siya. Wala sa sariling nakagat ko ang pang-ibabang labi, kaya natanaw ko ang pagbaba ng atensyon ni Melvin sa labi ko. Nakita ko pa ang pagdi

