Chapter 7: Chloe

2208 Words

Kinabukasan nang magising ako na masakit ang ulo, parang hinahati sa dalawa ang ulo ko dahilan para mapangiwi ako. Nang magmulat ay bumungad sa paningin ko ang hindi pamilyar na kwarto, rason para maagap akong umahon sa pagkakahiga ko. Ngunit kaagad din akong bumagsak nang manuot sa akin ang sakit, partikular ang batok at leeg ko. Wala pa sa sariling nahawakan ko ang ulo ko at ilang beses na hinilot ang noo. Mariin akong pumikit, kalaunan nang mapamulagat ulit ako. Mabilis pa sa kidlat na itinaas ko ang kumot na nakatabon sa katawan ko nang may mapagtantao at halos mapanawan ako ng kaluluwa nang makitang wala akong damit. Nanlaki ang mga mata ko, kasunod nang pagkalaglag ng panga ko. Sa reyalisasyong wala akong maalala ay mas lalong tumindi ang sakit ng ulo ko sa kaiisip kung ano ba ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD