Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko sa kanilang dalawa— sa mga sinabi ba ni Drew kanina, o si Melvin na siyang boyfriend ko? Naguguluhan na napatitig ako sa mukha ni Melvin, pilit ko ring hinahanap sa dalawang mata nito ang tamang sagot. "Yes," kalaunan ay buntong hininga ni Melvin dahilan para bumagsak ang panga ko sa sahig. What does he mean? Na totoo bang bakla siya at tama ang mga paratang sa kaniya ni Drew? Pero ano itong relasyon namin, huh? Ginagamit lang ba niya ako para pagtakpan ang sarili nito, gano'n? Siya namang paglingon ni Drew kay Melvin, tila pa napukaw ang atensyon niya sa pag-aming iyon ni Melvin. Samantala ay halos hindi na maipinta ang mukha ko, hindi ko na rin alam kung ano pa bang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung tama bang tanggapin ko si Melvin maging

