CHAPTER THIRTEEN
“Every lawyer was born with a heart of three faces; bravery, passion and victory greed.” He smirked.
I looked at him and scanned his face, from his eyebrows to the curve on his lips, he really is not Attorney Allistair Jake Shim for no reason.
After a moment of contemplation, I tried to put myself back on senses.
“Sa trial court, taking risk is not a major step—just one of smart ways to redirect the game.” He folded his sleeves up to his elbow.
I cleared my throat.
“So, what’s next?”
“Here is our second exhibit.” I literally felt chills on my spine as he handed another envelope. “That’s the hospital’s post death report.”
Hindi ko nagawang magreact agad nang marinig ang mga sinabi niya. Nag-aalangang binuksan ko ang envelope at kinuha ang piraso ng papel sa loob nito. Marahang binasa ang bawat letrang nakasulat hanggang sa pinakababa—ang lagda ng doktor na naghandle kay papa nang gabing mamatay siya.
“Since hindi natin makukuha ang autopsy report ni Mr. Honrado before the second hearing, I requested for a post death report. It might not contain the result of pathological tests yet, but it provides initial and probable result of the autopsy report.” He smiled at me, nodding confidently.
“W-wait, w-what do you mean?” I stuttered with my mind in complete confusion.
“Usually, before embalming, hospitals perform the autopsy. However, not all hospitals do that, like in your case. As I had told you, Friday will be the release of your father’s autopsy report kaya I asked for post death report. Post death report includes the probable cause of death and—”
“So what is the autopsy report for if we already have the post death report, right?” I halted him.
“Partially. Again, it’s the probable cause of death only, still uncertain. The autopsy report will confirm and close every speculation. Pero hindi iyan ang dapat natin pagtuunan ng pansin. We’ll use that on the next trial.”
I then started rereading the post death report.
“Ang sabi rito, kay Dr. Paciano pa mismo nanggaling, na ang probable cause of papa’s death is major loss of blood because of two separate eight to eleven inches deep stabs—one on left abdomen, little lower than the other. Does it mean, same level of verdict will be given to those two detainees?”
“Technically.” He nodded.
“’But we know na malaki ang chance na gunshot ang totoong rason ng pagkamatay ni papa, paano nangyari iyon?” naguguluhang tanong ko.
“That is why we still need the autopsy report. Sabi ko nga, ito ang magsasara sa lahat ng mga uncertain claims natin. Besides, ayon kay Dr. Paciano, wala siyang nakitang bala ng baril sa katawan ng papa mo.”
“What? Pero malinaw sa footage—wait, ‘di ba hindi naman niya naasikaso nang maayos si papa that night kasi we were unprioritized due to financial issues? What if hindi niya lang nakita?”
“Wala tayong magagawa, Aeshia, dahil nga wala sa atin ang autopsy report. Honestly, gusto mo ba manalo tayo or not?” he said, seemed done with my foolish statements. “All you you have to do is to rely and trust on me as I do my part.”
“Yeah, sorry.” I bowed down.
“To proceed, the hearing will begin tomorrow at 1PM, we have to get there earlier than anyone so we would get the positive ambiance first.” I looked at him, flustered. “Kidding, we just have to feel and find the comfort before the hearing start. Ready ka na ba?”
“I, uh, I guess so,” nag-aalangang sagot ko.
“You seem not.”
I literally seemed absent minded at the moment as I have been thinking of something for long. I want say something but I am hesitant.
“Aeshia?” he waved his hands few inches from my face. “Knew it. What is it, Aeshia? What is it that makes you uncomfortable?”
“Si Sheki.” I said straightly.
“Who’s that and what about her?” tanong ni Attorney Shim.
“Remember when I told you that one day before papa died, sina Rolando Perez at Hugo Salazar ang nagdeliver ng bulaklak sa flower shop, and kinabukasan was my day off kasi alternate duties kami ni Sheki? There was nothing suspicious at her, pero kahapon kasi while on duty, nagcheck ako ng recent sales report at napansing wala na ang financial transactions noong February 3.”
“Then?”
“Last time I have checked the sales report, nandoon pa iyon, and that was before ako nagtake ng one week leave para sa photoshoot ng Rouge Magazine. Isn’t it just strange? Si Sheki ang duty the day papa died, siya rin ang duty before nawala ang sales report ng February 3 which was the day before papa died, at ang pinaka-ipinagtataka ko, upon checking the February 4 sales report, the day when papa died, isinara niya ang shop an hour earlier than she must’ve closed it.”
“Meaning to say, wala na ang papel o kopya ng sales report ng February 3 kaya wala na tayong proof about Ronaldo and Hugo’s identities?’
“Nah, we still have the CCTV footage from the shop to prove their identities,” I disagreed. “My concern is, hindi kaya may kinalaman si Sheki sa—”
“No,” Attorney Shim immediately halted me. “We cannot easily accuse without any more concrete evidences.”
“I know, but malakas ang kutob ko,” I replied.
“Innocent until proven guilty.”
“Your word.” I sighed.
“But I’ll work on that, she might be hiding something, just waiting for us to discover.” He smirked. “Having a little of suspiciousness, means there is something worth suspicion.”
Many hours passed at natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakasuot ng puting blouse at jeans na pambaba. Nakaupo ako sa harap ng lamesa at katapat ko si Attorney. Nakabihis na si Attorney Shim ng defender’s outfit at seryoso na ang mukha niya. Ang kaniyang kamay ay magkasalikop sa ibabaw ng lamesa at hindi siya nagsasalita. Ako naman ay halatang hindi mapakali habang naghihintay na dumating ang mga nasa oposisyon.
Kagaya ng napag-usapan, maaga kaming dumating sa trial court. Isa at kalahating oras pa ang itatagal bago magsimula ang pagdinig. Iilan pa lang ang tao at karamihan pa ay galing sa kakatapos lamang na pagdinig. Kakaiba, tila hindi ko makilala si Attorney sa aura niya ngayon. Seryoso siya nang unang pagdinig ngunit iba ang abogadong nakikita ko ngayon.
Second hearing is not a joke, Aeshia. This is where the battle really begins.
Now I understand.
“Will you please calm down?” seryosong tanong ni Attorney at nag-angat siya ng tingin sa akin.
Doon ay saka ko lamang namalayan na hindi na ako mapakali habang pabalik-balik na lumalakad mula sa lamesa hanggang sa pinto ng kwartong kinalalagyan namin.
“Breathe and calm down. You’re distracting,” sambit pa niya.
“E kasi naman kinakabahan ako, baka mapaihi ako mamaya,” sagot ko.
“Nagpapatawa ka ba? Ano ka, bata? Bakit hindi ka ngayon umihi at hindi iyong mamaya ka magkakalat?”
“Okay pi, I’ll just go and pee to refresh a bit.”
“Okay pi?” pag-uulit niya sa sinabi ko. “What—what’s ‘pi’? I frequently see that word being used by girls on dating applications.”
“What?”
“I said what does ‘pi’ mean—"
“You’re using dating apps?” putol ko sa sinasabi niya.
“H-huh? D-did I say something about that?” gulat at kinakabahang tanong niya.
I just smiled.
“Really, Aeshia? Sa akin mo ginagamit ang pang-iinis mo? Better reserve that for later. Diyan ka muna nga at ako ata ang kailangan ng comfort. I’ll just go to the comfort room.”
Matapos sabihin iyon ay mabilis na tumayo siya at naglakad. Subalit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa niya ay nilingon niya ako at inihagis ang isang bagay.
“Keep it, sa’yo muna. Mahirap na,” aniya at sinenyasan pa ako na itago ito.
Nang maglaho naman siya sa paningin ko ay tinitigan ko ang inihagis niya. It was a cute capsule-like black and white keychain. I then immediately slid it in my pocket.
Ilang sandali ang lumipas at bumalik na si Attorney Shim. Since isang oras na lamang at magsisimula na ang hearing ay nagpaalam din akong pupunta sa restroom.
Nagbuntong hininga ako. Ngayon ay nakatayo ako sa harapan ng isang salamin at pilit kong inilalabas ang kaba ko. Alam ko sa aking sarili na nagagawa ko mang ngumiti ay bakas sa mga mata ko ang matinding kaba, at ayaw kong makita ito ng kalaban namin. Hindi ako magmumukhang mahina sa harapan nila, never.
“Breathe, Aeshia, para kay papa,” bulong ko sa sarili ko.
Maya-maya pa ay naisipan kong maglagay ng pulbos sa aking mukha. Dahil ako ay laking 90’s at likas ang pagiging jologs, dinukot ko ang panyo ko sa bulsa kung saan inilagay ko ang pulbos. Sandaling ipinatong ko ang cellphone ko at ang keychain ni Attorney sa maliit na espasyo malapit sa gripo, at nag-retouch para sa ikagaganda ng buhay, char.
Matapos magpulbos ay pumasok ako sa isang cubicle, since ako lamang naman ang nasa loob ng CR ay iniwan ko na ang mga gamit ko sa kinalalagyan nito. Pagkalabas ng cubicle ay nakapagtatakang nakasara na ang main door ng CR. Sigurado akong iniwan ko iyon na nakabukas at hindi ko naman narinig na sumara ito.
Inayos ko na ang mga gamit ko at akmang lalabas na nang biglang hindi ko mabuksan ang pinto. Ilang beses kong sinubukan buksan subalit hindi ko kinaya. Nang makailang ulit na hindi ko pa rin mabuksan ay sinimulan kong sumigaw at humingi ng tulong. Mabuti na lamang at sa unang sigaw ko pa lamang ay biglang bumukas na ito.
Sa pagbukas ng pinto ay iniluwa nito ang isang lalaking may katangkaran aat kaputian. Maganda ang kaniyang tindig at sa ilang distansya sa pagitan namin ay amoy ko ang halimuyak ng pabango niya.
Nasha movie be eke? Ikaw ne be yeng knight in shining armor ko?
Sa tangkad ng lalaking nasa harapan ko ay kinailangan kong magtaas ng tingin sa kaniya.
“Salamat,” maiksing sabi ko.
Ngumiti siya, at sa mga pagkakataong iyon ay tila nakaramdam ako ng kakaibang kislot.
“Huwag ka sa akin magpasalamat, sa girlfriend ko. Siya kasi ang nagsabi na naka-lock ang women’s CR kaya I had to ask for the key.”
What the heels? Eeengkkk! May jowa!
“Ay, haha, sige. Salamat na lang sa lahat,” sambit ko at doo’y pumasok ang isang babae. May bangs ito at hindi katangkaran, maputi ang balat at maganda ang aura ng mukha.
Matapos ang kahiya-hiyang tagpong iyon ay bumalik na ako sa kaninang kinauupuan namin ni Attorney Shim. Hindi ko pa rin makalimutan kung paano ko sinubukan magpa-cute kay kuyang pogi sa CR at kung gaano ka-awkward ang mukha ko nang malamang may jowa na siya.
“Aeshia?” tawag sa akin ni Attorney Shim.
“Yes?”
“Nothing, just wanted to check kung nasa katinuan ka pa. Kanina ka pa kaasi nakangiti riyan.”
“Of course, matino pa ako,” sagot ko kahit alam kong hindi naman talaga ako matino.
“Aeshia,” tawag niya ulit.
“Yes, Attorney?”
“Iyong flash drive kanina?”
“Flash drive? Anong flash drive?”
“Iyong ipinatago ko earlier, ‘yong keychain,” paliwanag niya.
“Ah, flash drive pala iyon?” Dinukot ko sa bulsa ang keychain at iniabot sa kaniya. “Here.”
“Aeshia,” tawag niya for the third time.
“Po?”
“Nothing.”
Hindi ako umimik.
“Aeshia,” tawag niya na naman.
I didn’t bother responding.
“Aeshia, look back,” utos niya. Hindi ako sumunod. “Quickly.”
Nang lumingon ako ay halos maghugis puso ang mga mata ko nang matanaw si kuyang pogi kanina sa CR, papalapit sa amin habang nakangiti. OMG, don’t tell me, close sila ni Attorney Shim. Ang tadhana nga naman, gosh hindi pa ako ready ikasal, char.
“Allistair! Long time no see, how’s life in and out of the court?” sambit nito nang makalapit sa amin.
Tiningnan ko naman si Attorney Shim at tumayo siya.
“Doing better than you, I suppose,” sagot naman niya. “Like how it should.”
Nag-smirk si kuyang pogi. OMG, ‘wag ka po magsmirk matutunaw ako rito nang wala sa oras.
“Well, let’s see if you’ll still do better after the hearing, Allistair Jake Shim,” sambit pa nito at maang lamang akong pinagmamasdan silang dalawa.
“That’s for certain,” buwelta ni Attorney Shim. Ngunit literal na bumagsak ang panga ko nang banggitin niya ang pangalan ng lalaki sa harap ko. “Ethan Luiz Grey.”