Ayumi "What? May offer ka to do Hollywood films? Bongga naman," natutuwang sabi ni Barbie sa'kin ng magkita kami dito sa opisina ni Sir Vince. "Oo. Makakasama ko raw sa pelikula ang sikat na aktor na gumanap bilang si Spiderman. Isa rin 'yon sa mga crush ko noon," kinikilig kong wika. "Pero minor role lang naman ang gagampanan ko sa movie." "Kahit na. Bongga pa rin ang makatrabaho ang mga sikat na hollywood actors. Once in a lifetime lang 'yan, Ayumi. Tinanggap mo na ba ang offer? Huwag mong sabihing hindi pa dahil sasabunutan kita diyan," biro pa niya. Natawa naman ako sa sinabi niya. "Hindi ko pa kasi nasasabi kay Darren. Alam mo na. Ilang buwan din kaming magkakalayo dahil sa shooting." "Sabihin mo na sa kaniya habang maaga pa. Siguro naman maiintindihan niya rin iyon. Kasi trabah

