Darren "What the hell! Are they for real? They're so disgusting! I'm not a fan anymore! Grrr!" "Si Darren ba talaga yan? Kadiri naman," "My heart is breaking. I f*cking hate you, Darren!" ilan lamang ito sa mga natatanggap kong hate comments sa social media. Kumakalat kasi ngayon ang isang s*x video kung saan sangkot ang pangalan ko. "That's what you get for being hard-headed, Darren!" tumaas ang boses ni Shirlee. Nandito ako ngayon sa kaniyang opisina para magpaliwanag sa kumakalat na hindi kanais-nais na video. Nakaupo si Shirlee sa kaniyang swivel chair. Habang ako naman ay nakaupo sa malambot na sofa sa gilid ng kaniyang office table na ilang hakbang mula sakaniyang kinauupuan. "Have you watched the video?" tanong ko rito. Nagsalubong ang kaniyang kilay. "Nope. Not yet. But I

