Ayumi "Kanina pa kita hinahanap, Ayumi. May bedscenes ulit tayo mamaya sabi ni direk," ani Cade. Na naman? Ano ba 'yan si direk. Wala ng katapusang bed scenes 'yan. Paniguradong hindi na naman magugustuhan ni Darren iyon. At isa pa 'tong si Cade, mukhang ganadong-ganado na naman sa love scenes. Tiyak na pagseselosan na naman ni Darren 'tong si Cade. "Ah, gano'n ba? Okay. Ano kasi...Ahmm...Nasa loob lang ako ng trailer ko kanina," pagsisinungaling ko. Ang totoo niyan ay nasa loob ako ng trailer ni Darren. Hindi ko naman pwedeng sabihin kung anong ginawa namin. "Siya nga pala. Yayayain sana kitang mag-dinner mamaya. Libre kita," nakangiting wika ni Cade. Narinig ko ang pagtikhim sa aking likuran. "She's not going with you," matatag na wika ng lalaki. Napalingon ako kay Darren. Akala

