Ayumi Nagising ako sa tunong ng alarm ng cellphone ko. Humihikab-hikab pa akong bumangon sa kama. Pupunta kasi ako ng studio ngayon para sa rehearsal namin. May mall tour kami this week sa bansa. Nagtungo na ako sa banyo para maghilamos ng mukha. Kababalik ko lang rito sa condo ko kagabi. Inayos ko ang aking higaan bago magluto ng almusal. Isang simpleng almusal lang ang niluto ko. Nagluto ako ng sinangag at naglaga rin ako ng itlog. Nagtimpla na rin ako ng mainit na milo para mainitan ang aking sikmura. Alas siete pa lang naman ng umaga. Mamaya pang 10:30 ang rehearsal namin sa studio. Matapos kong mag-almusal ay nagtungo na ako sa banyo para mag-shower. Wala akong kasama ngayon dito sa condo. Si Akioh ay nasa probinsya namin. Si Delaney ay nand'un din sa bahay. Pero plano na nitong b

