Chapter 2

1134 Words
Ayumi Parang biglang gumuho ang mga pangarap ko ng malaman kong hindi na ako makakatanggap pa ng scholarship sa pinapasukan kong university. Nakakuha kasi ako ng mababang marka sa isang major subject namin. "Okay lang 'yan, bes. Hindi pa naman katapusan ng lahat. Marami pang paraan para makapagpatuloy ka sa pag-aaral," pag-aalo sakin ng bestfriend kong si Camille. Nandito siya ngayon sa apartment na tinutuluyan ko sa Makati. Labis ang aking kalungkutan dahil hindi na ako scholar. Sa susunod na semester ay kailangan ko ng magbayad ng tuition fee. Pero saan naman ako kukuha ng pangbayad ko sa tuition next sem. Maliit lang ang kinikita ko sa pagiging part-time model. Kaunti lang din naman ang mga offer sakin lately na modelling gig. "Bahala na. Baka huminto nalang muna ako sa pag-aaral," malungkot kong tugon kay Camille. "Gan'on? Sayang naman, bes. Baka pwede mong kontakin daddy mo.  Feeling ko naman hindi ka tatanggihan nun kapag humingi ka sakaniya ng tulong. Isa pa, daddy mo naman yun. Karapatan mong makatanggap ng sustento mula sakaniya," sambit ni Camille. Wala na talaga kaming communication ni daddy. Saka hindi rin matutuwa si mommy kapag nalaman niyang nakikipag-ugnayan ulit ako sa aking biological father. Hindi kasi maganda ang naging paghihiwalay nila. Matamlay akong nahiga sa aking kama. Nakatingala sa kisame. Nag-iisip isip kung anong magiging plano ko sa buhay. Kung magpapatuloy ba ako next sem sa pag-aaral o hihinto muna. Nakapagdesisyon na ako. Ilang linggo ko rin itong pinag-isipang mabuti. Hihinto muna ako sa pag-aaral. Pero magpapatuloy parin naman ako. Mag-iipon lang ako ng pang tuition. Kelangan kong makaipon ng malaki-laking pera para hindi na ako ulit mapapahinto sa pag-aaral. "Ate, sabihin mo kay mommy pupunta lang ako kina Mike. Birthday kasi ng ate niya ngayon." Sambit ng kapatid kong si Akioh. Umuwi muna ako ng probinsya namin dito sa Silang, Cavite matapos kong makapagpa-clearance. Babalik din naman ako ng school para makuha ang mga grades ko. "Sige, huwag kang magpapagabi ha. Yari ka nanaman kay mommy." "Opo, Candice Everdeen," tugon niya sa'kin. Idol niya kasi ang artistang gumanap bilang Katniss Everdeen sa pelikula. "Ewan ko sayo, bukyo," inirapan ko ito. "Nak, plano ko ulit mag-abroad next year. Para naman masuportahan ko ang pag-aaral niyo ni bunso," sambit ng aking ina habang nakaupo sa maliit na sofa ng aming sala. "Dito kanalang mommy. Ako nalang ang magtatrabaho." Sambit ko rito. May sakit pa naman itong diabetes. Nasa lahi kasi nila. "Nak, malakas pa sa kalabaw si mommy. Kayang-kaya ko pang magtrabaho," makulit na tugon nito. Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi nanaman nakikinig si Mommy. Nakahiga ako sa kama at abala sa  panunuod ng video sa YouTube. Napanuod ko ang audition para sa next girl group sensation ng bansa. On-going parin kasi ang audition. May mga kaibigan rin akong nag-audition ngunit hindi pinalad makapasa sa audition. Hilig ko na talaga ang kumanta at sumayaw noong bata pa ako. Kaya naman gumugulo sa aking isipan ngayon kung susubukan ko na sumali sa gaganaping audition nextweek sa may SM Dasma. Last week ay sa may SM Davao naganap ang audition. Tutal malapit lang naman sa'min ang SM Dasma, ay nakapagdesisyon na akong sumubok mag-audition next week. Maraming tao ang nagpunta sa audition dito sa SM Dasma. Pang 1,020 ang number ko sa pila. Kinakabahan ako ngayon palang. Sana palarin ako na makapasa. Pinagdasal ko talaga kay God na gabayan niya ako ngayon sa gaganaping audition. May mga nakilala rin ako dito sa pila. Sina Krishna at Francine ay kaedaran ko lang rin. "Sana makapasa tayo 'no?" nakangiting sambit ni Krishna. Nalaman kong sumasali rin pala sila sa mga dance contest sa kani-kanilang school. Pero hindi naman daw sila magaling kumanta. Hindi pang birit ang boses nila. Ako man ay hindi rin pangbato sa biritan. I can sing. Pero hindi ko kaya yung sobrang birit. Pang Taylor Swift ang boses ko. Hindi katulad ni Mommy, pagdating sa biritan kayang-kaya niya. "Kaya nga sana makapasa talaga tayo. Para naman hindi sayang ang ipinila natin dito." Sambit ni Francine. Sana nga ay matanggap kaming tatlo sa audition. Malapit na kaming matawag sa stage nina Francine at Krishna. Nauna ng tawagin si Francine kanina sa stage. Maraming tao ang pumalakpak sa galing ni Francine sumayaw. Nang pakantahin naman siya, ay medyo sumablay ito. Pangbirit kasi ang napili niyang kanta na kantahin. Tinawag naman sa stage si Krishna. She nailed the audition. Nakatanggap pa siya ng standing ovation sa mga judges. Isa na doon ay ang sikat na Kpop superstar na si David Park. Si David Park ay isang half Filipino, half Korean. Siya ang leader sa sikat na grupong Monsterxx. Ang Monsterxx ay sikat sa buong mundo. At ang grupo na iyon ay humahakot ng maraming pangaral both local and abroad. Si Mr. David Park ay naka-based sa Korea. Pero madalas naman siyang umuuwi ng Pilipinas kapag maraming naka line up sakaniyang offer. Katulad ng pagiging judge at mentor. Ilang minuto na lang ay tatawagin na ako sa stage. Kaya naman panay ang dasal ko sa aking isipan na sana maging successful ang results ng audition ko ngayon. "Congrats sa'tin, guys," sabi ko kina Krishna at Francine. Pare-parehas kasi kaming tatlo na nakapasa sa audition. Pero hindi pa doon  nagtatapos ang audition stage para maging ganap na miyembro ng newest girl group sensation sa bansa. Nextweek ay may final audition pa na gaganapin sa Maynila. Ang mapalad na makakapasa ay mapapabilang sa top 20 finalist. "Kaya nga. Grabe rin yung kaba ko kanina. Akala ko hindi ako makakapasa," hindi makapaniwalang sambit ni Francine. "Basta text-text na lang, ha. O kaya add ko kayo sa Facebook." Sambit ni Krishna. "Sige, pero bago tayo umuwi kain muna tayo. Gutom na gutom na talaga ko." Sambit ko kina Francine at Krishna. Nalipasan na kasi kami ng gutom dahil sa sobrang haba ng pila sa audition. Kumain kami sa kilalang fastfood chain ng pagkaen. Namiss ko talaga ang pagkaen sa Mang Inasal. Naka-ilang unli rice pa ako sa sobrang gutom. Matapos naming kumain ay umuwi na ako sa bahay namin. Ginabi na ako ng uwi sa sobrang tagal kasi ng audition. "Mommy, nakapasa po ako sa audition," masaya kong sambit kay Mommy ng makarating ako sa aming bahay dito sa Silang. "Galing-galing talaga ni Ate. Manang mana kay Mommy," natutuwang sambit ni mommy. "Wow nakapasa si Candice Everdeen. Himala," nang-aasar na wika ng kapatid kong si Akioh. "Siyempre, igaya mo pa 'ko sayo. Wala ka kasing talent," sambit ko at inirapan ito. "Panget-panget nga ng boses mo eh," pang-aasar ni Akioh. "Bunso, tama na pang-aasar mo kay ate," saway ni mommy. Ngumuso lang ang kapatid kong pasaway. Hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon na isa ako sa mapalad na nakapasa sa audition. Although may final audition pa, ay paghahandaan ko ulit iyon. Kailangan kong mag practice ulit ng sayaw at kanta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD