Darren "Usap-usapan ngayon ang balita tungkol sa aktres at dating Pink Magic member na si Ayumi Nishida na diumano ay nagdadalang-tao. Mabilis na kumakalat ngayon sa social media ang tungkol sa issue na kaya raw tinanggihan ni Ayumi ang role niya sa isang Hollywood film, ay sa kadahilanang nagdadalang-tao na raw ito. Si Darren Miller ang tinuturo ng mga netizen na ama ng batang ipinagbubuntis ngayon ni Ayumi. Tunghayan ang katotohanan sa isyung ito sa showbiz report ni Ysa Valderama." Hindi na ako nagtaka kung bakit headline na naman ang issue tungkol sa 'ming dalawa ni Ayumi. At totoo naman ang rumor na kumakalat ngayon na buntis si Ayumi. She's pregnant with my baby. Dalawang buwan na siyang buntis. Kaya naman matapos naming gawin ang pelikulang When The Love Is Gone, hindi na muna si

