Ayumi "Dinipensahan ni Darren Miller ang dating Pink Magic member at aktres na si Ayumi Nishida sa bashers nito. Nagbitaw ng kung ano-anong masasakit na salita ang isang anti-Ayumi fan na nakatawag pansin kay Darren. Kung saan naka-tag ito sa larawan sa social media na kasama si Ayumi. Kuha ng paparazzi ang naturang larawan. Usap-usapan ngayon sa social media ang bali-balitang may malalim na relasyon na nga ang dalawa. Ano na nga ba ang real score kina Darren at Ayumi? Tunghayan natin iyan sa showbiz balita ni Amanda Castillejo." Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapanuod ko ang entertainment news ngayon. Ipinagtanggol lang naman ako ng mahal ko sa basher ko sa social media. Hindi ko naman mapipigilan si Darren na huwag ng patulan ang mga internet trolls. Mabilis kasi silang dumadami. The

