Ayumi "Bakit may ganito ka?" tanong ko habang hawak-hawak ang pills na nasa loob ng supot. Mabilis niyang hinablot iyon. "Ate naman nangingialam ka lagi ng gamit ko," nakasimangot na sabi nito. Kahit hindi niya sagutin ang tanong ko ay alam ko na kung bakit siya mayroon n'un. Para kay Lizzie 'yung pills na binili niya. Ang mga kabataan talaga ngayon mapupusok masyado. Napailing ako. Pumasok na ako sa aking kwarto matapos kong ayusin ang magulong kwarto ng malandi kong kapatid. Nag-open ako ng aking personal i********: account para lamang magulat. Nanlalaki ang aking mga mata ng makita ko ang isa sa mga nofication. Seryoso? Totoo ba 'to? darren_miller started following you "Oh My God," bulalas ko. Ito ang verified at personal account ni Darren. Kelan niya pa kaya ako in-add? Ang ta

