Ayumi "Oh My God. Kinikilig naman ako sa inyo ni Darren. Alam mo bes, relationship goals kayo," kinikilig na wika ni Delaney. "Ang suwerte niyo pareho sa isa't isa." Dumating na siya kahapon sa bansa. Kaya naman dito na siya sa condo ko dumiretso. "Pero hindi pa namin inaamin sa public na matagal na kaming may relasyon. Alam mo na, maraming against sa relasyon namin. Kesyo hindi raw ako nababagay kay Darren." "Naku, hayaan mo na ang mga bashers mo. Huwag mo na lang pansinin. Siguro nga mas okay na huwag niyo na lang aminin na may relasyon kayo. Ganiyan kasi talaga sa mundong ginagalawan niyo. Maraming intriga. Patibayan ng loob. Hindi pwede ang onion-skin. Kaya deadma ka na lang. Hayaan mo silang magsawa kaka-bash sa'yo." "Kaya nga, eh. Hindi ko naman ipinipilit ang sarili ko na magus

