Darren Marami namang bakanteng kwarto dito sa mansiyon kaya dito ko na pinatuloy pansamantala si Eduard. Marami kaming planong gawin ng kaibigan ko dahil nakahingi siya ng maikling bakasyon. Plano naming magpunta sa Bondi beach at mag-bar hopping. Alas otso na ng umaga ako nagising. Si Eduard naman ay tulog pa. Naabutan kong nagluluto na si Thea ng almusal sa kusina. Tulad ng kaniyang ina ay masarap din itong magluto. Nagtungo ako sa banyo para mag-shower. Pakanta-kanta pa ako habang naliligo. Nang matapos ako sa paliligo ay napansin kong nagtatawanan sina Thea at Eduard sa labas. They just met. But it seems that they know each other for a long time. Hindi na nakakapagtaka. Eduard is a natural flirt. Lapitin ito ng mga babae. Hindi naman ito nagseseryoso sa babae dahil ang katwiran nit

