Allysa POV
Present Time
''Kringg....''
Nakakarinding tunog ng alarm clock ang gumising sa akin. Sandali pa akong napahawak sa ulo ko habang hinang-hina habang bumabangon.
''Oh myy God.. What time naba? Kakaantok pa kaya, pwede pa ba ako makahirit pa kahit 5 minutes??'' sabi ko pa sa sarili ko habang nakayuko ngunit nakaupo na sa gilid ng bed ko.
Kinuha ko ang digital alarm clock ko. Nakarehistro don ang time 6:15 AM... Teka wala naman yata ako gagawin today, matutulog muna ako...
Kaya muli akong nahiga ngunit agad ding natigilan at.
''Wait.. wala nga ba talaga ha?'' bulong ko pa. Habang antok na antok pa din.
Hanggang sa may maalala ako.
''Shocks may report ako today!!!''
Kaya mabilis akong tumayo at pakiramdam ko ay nawala bigla ang antok. At patakbong bumaba papunta sa banyo, ngunit..
''Tok tok tok!!!''
''Sino ba nasa loob ha, male late na ako ano ba!'' sigaw ko pa habang nasa labas ng banyo at patuloy lang sa pagkatok.
Nanatili lang itong tahimik mula sa loob.
''Hay nako Brei ikaw ba yan nasa loob?'' paninigurado ko pa.
''Maghintay ka kaya. Ako nauna ok!!'' sigaw pa nito mula sa loob ng banyo.
''Iihh late na kaya ako.. Later ka nalang please. Paunahin mo muna ako please.'' pakiusap ko pa habang patuloy lang ito kung ano man yung ginagawa niya sa loob no.
''Ikaw lang ba pwede malate ha, don ka nga muna naiilang ako!'' bulyaw pa ni Brei.
''Hay nako! basta pagbalik ko wala ka na diyan!'' banta ko pasa kanya.
Hindi naman ito kumibo kaya wala na ako nagawa at inis na bumalik sa room ko at mabilis na inayos ang mga gamit ko while waiting for Brei.
''Nakakainis talaga!! Ang bagal pa naman niya maligo.'' reklamo ko pa.
Ang ending almost 30 minutes din ako naghintay.
''Tss lumabas kapa? Sana don kana din sa banyo kumain para masaya diba?'' inis na sabi ko habang dumadaan siya sa akin.
Tumingin lang siya at dumiretso na.
''Iiiihhh kainis.. Bakit ba kasi napakadalang niya magsalita lalo tuloy akong naiinis!'' reklamo ko pa habang papasok ako sa banyo.
''Nako paano na yan late na ako. Patay ako neto kay Sir Agoncillo, nako naman."
Exactly 30 minutes ay laman na ako ng lansangan, ganong kabilis ang ginawa kong pag-aayos ng sarili kasama na din don ang daily morning routines ko. Ang nakakainis pa super relaxed lang si Brayden sa sa sala habang nakikinig ng music.
''Imagine?..."
Pagdating ko sa office ay takbo-lakad ang ginawa ko. Nakipag siksikan din ako sa elevator kahit naka simangot na sa akin yung ibang girls na nagitgit ko.
"Sorry naman nagmamadali lang." napapailing na sabi ko nalang sa sarili ko.
"Good morning everybody! Good mor---nning.... S-sir..." nakayukong sabi ko.
Tiningnan lang ako nito at..
"You are late than I expected Ms. Medina." sabi pa nito.
Narinig ko pa ang pag-ingay sa conference room dahil sa mahihinang tawa ng mga kasama ko.
"Ewan ko sa inyo, male late din kayo.." inis na bulong ko.
Kaya medyo uneasy pa ako habang nauupo sa slot na nakalaan para sa akin.
"Besh ano nangyari?" bulong pa sa akin ni Kristine.
"Later na Besh, may nambwusit lang sa akin kanina." sumbong ko pa dito.
Habang iniaayos ko ang laptop ko for presentation.
"Ms. Allysa Medina, can you present to us, your Marketing Proposal please." walang emosyong sabi ni Sir Agoncillo na lalong nagpataranta sa akin.
"Sir ok po malapit na wait lang I'm just searching for my Presentation File.."
"What? Natutulog ka pa yata Miss Medina, how about some coffee." sabi pa nito. Tsaka pumunta sa Coffee Station at ini-on ang Coffee-maker.
Nagtawanan ng mahina ang iba.
Mala Epic Failed man ang presentation ko, naging very good naman ito sa huli. Buti nalang..
"Huli man daw at magaling, huli pa din, este maihahabol din... Uy congrats talaga Besh, tuwang-tuwa kaya si Sir kanina sa presentation mo." sabi pa ni Bri habang naglalakad kami sa hallway patungo sa Station namin.
"Hay nako Besh kinakabog kaya ako kanina, ayokona talagang malate promise!" sabi ko pa.
"Ganon? Parang kahapon lang sinasabi mo yang litanyang yan ah, congrats naman late ka pa din." pangangantiyaw pa nito.
"Ay ganon ba? Next time sabi ko kaya." sabi ko pa.
"Ganon na nga lang Besh, pero bawi naman kahit late, panalo talaga ang presentation mo kaya." patuloy pa ni Kristine.
"Buti na lang pumatok kay sir no, kung hindi saan kaya ako pupulitin ngayon no." sabi ko pa.
"But infairness, makatarungan bang ipagtimpla ka niya ng Coffee sa harap namin, hmm I smell something kaya hmmmmmm." sabi pa nito.
"Sira ka talaga, bigyan ba ng malisya yon. Pamilyadong tao na yon no." sabi ko pa.
"Porke ba't may pamilya na, bawal na magkagusto sa kasing ganda mo Allysa?" sabi pa nito.
"Kay aga-aga naman Kristine, later ka na nga ok. Don ka na sa Department mo tsoo.." nakatawang biro ko pa.
"Ewan ko sayo! Sige na friend babush na." sabi pa nito habang kumakaway sa akin at nabi beautiful eyes pa.
Natawa nalang ako.