2 months later Kristine' POV Weekend "Thank you Sir, dito nalang ako bababa ok." sabi ko pa matapos ko matanawan ang Baliwag Transit Bus Terminal. "Ayaw mo pa kasi pumayag ihatid kita sa Bulacan." himig tampo pa nitong sabi sa akin, habang marahan ipinaparada ang sasakyan niya sa shoulder ng kalsada. "I'm not ready yet sir, hayaan mo sa Christmas isasama kita sa amin." sabi ko pa habang ini-unlock ko ang seatbelt. "Salamat talaga Tin, gusto ko ng makilala ang family mo. At syempre gusto ko ding magpaalam sa kanila ng personal at officially ay liligawan na kita." Sandali ako napahawak sa bibig ko. At tila nasamid sa sinabi niya. Yes! Nakakagulat kaya... Nakakagulat lang isiping hindi pa pala niya ako nililigawan lagay na yon. My gosh. Ngayon pa lang todo kilig na ako sa ka-sweeta

