Sinusundan ko ang isang itim na sasakyan at nasa loob nito si Georgina. Madaling araw pa ako nag manman sa labas ng mansyon nila nag hihintay at nag aabang. Nag babakasakaling makita ko siya kahit saglit lang. Kung hindi ako nagkakamali ang daan na tinatahak nito ay papunta sa park na lagi naming pinupuntahan dati. Tumigil ito sa gilid at bumaba na si George mula sa backseat. May sinabi siya sa mga bantay at tumango lang ang mga ito. Mula sa malayo pinagmamasdan ko siya. Miss na miss ko na siya. Kita ko sa kaniyang mukha ang lungkot at pangungulila. Gusto ko siyang lapitan at yakapin ng mahigpit. Pinipigilan ko lang ang sarili ko. Hindi pa pwede mahal ko, kunting tiis pa. May kinuha akong mula sa aking bulsa. Isa itong bracelet na binili ko sa souvenir store malapit sa palengke pinala

